top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kongreso, dapat gumawa rin ng batas na "balik-nakaw Wealth Fund"

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 2, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | June 2, 2023


APRUB NA 'MAHARLIKA INVESTMENT FUND,' SANA MAGKA-BATAS DIN NA ‘BALIK-NAKAW WEALTH FUND’—Sa kabila ng pagtutol ng publiko, naaprub pa rin ang priority bill ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (P-BBM) na Maharlika Investment Fund (MIF), dahil 19 senador at 282 kongresista ang bumotong pabor dito.


Sana gumawa rin ng batas ang Senado at Kamara na tatawagin namang "Balik-Nakaw Wealth Fund" na mag-oobliga sa mga kurakot na traditional politicians (trapo) na ibalik sa kaban ng bayan ang mga ninakaw nilang pera ng bayan, boom!


◘◘◘


BAD ANG MAHARLIKA INVESTMENT FUND—Ang Maharlika Investment Fund (MIF) ay bad, kasi ang bilyun-bilyong pisong ipangpopondo r’yan ay kukunin sa kaban at pera ng bayan.


Kaya nasabi nating bad kasi mismong ang ate ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (P-BBM) na si Sen. Imee Marcos ay tutol d’yan dahil sa pangamba niya na mamamayan ang magdurusa kapag nakurakot o nalugi ang pera ng bayan na ilalagay d’yan.


Kung good kasi para sa sambayanang Pinoy ang dulot ng Maharlika Investment Fund, sana ay sinuportahan ito ni Sen. Imee, pero para sa senadora ay bad ito kaya kahit priority bill ito ng kanyang kapatid na Presidente, ay hindi ito sinuportahan ni Sen. Imee, period !


◘◘◘


SABI NI P-BBM KUKUNIN PA RIN ANG PENSION FUNDS KAPAG GINUSTO NG MGA SSS AT GSIS OFFICIALS MAG-INVEST SA MAHARLIKA INVESTMENT FUND—Ang palusot ng mga senador na kaya raw sila bumotong pabor sa Maharlika Investment Fund ay dahil hindi na kasama sa pagkukunan ng pondo bilang investment fund ang Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).


Ang palusot na 'yan ng mga senador ay pang-uunggoy lang pala sa mamamayan kasi mismong si P-BBM ang nagsabi na kung nanaisin daw ng mga SSS at GSIS officials na i-invest sa Maharlika Investment Fund ang pension funds ng mga senior citizens, ay tatanggapin daw ito ng Malacanang, boom!


◘◘◘


AGRABYADO NA NGA ANG MAMAMAYAN SA CONFIDENTIAL AT PORK BARREL FUNDS, NAGDAGDAG PANG-A-AGRABYADO PA ANG MAHARLIKA INVESTMENT FUND—Agrabyado ang mamamayan sa mga probisyong nakapaloob sa Maharlika Investment Fund (MIF) tulad na lamang na kung sakali raw na makurakot at malugi ang bilyun-bilyong pisong ipangpopondo rito ay walang pananagutan ang mga taga Malacañang, Senado at Kamara, kasi ang mag-aambagan na magbayad dito ay ang mga Pinoy taxpayers.


Hay naku, agrabyado na nga ang mamamayan sa confidential funds ng mga trapo kasi hindi ito na-audit, agrabyado pa rin ang mamamayan sa pork barrel dahil patuloy pa ring nagtatamasa dito ang mga trapo, tapos inaprub pa ang Maharlika Invesment Fund na dagdag pang-aagrabyado sa taumbayan, tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page