Knows na chickboy ang BF, Kylie… AJ, TODO-BIGAY KAY ALJUR PARA 'DI NA MAAGAW NG IBA
- BULGAR

- Sep 14, 2024
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 14, 2024

Open na sa kanilang relasyon sina Aljur Abrenica at AJ Raval. Hindi na sila patago sa publiko dahil may bagong pag-ibig na rin si Kylie Padilla.
Alam ni AJ ang pagiging “chickboy” ni Aljur at aware siya na posibleng ma-attract pa sa ibang babae ang BF, kaya hindi siya kampante sa kanilang relasyon ngayon. Inihahanda na niya ang sarili sakaling maagaw ng iba si Aljur.
Katwiran ni AJ, ang sarili niya ang kanyang sisisihin sakaling maagaw pa ng ibang babae si Aljur. Maaaring may mga pagkukulang siya, kaya ngayon ay ibinibigay na niya nang buo ang kanyang pagmamahal at pag-aalaga kay Aljur Abrenica upang hindi na matukso ang aktor sa ibang babae.





Comments