Kinumpirma ni Andi JACLYN, INATAKE SA PUSO SA EDAD 60, PUMANAW NA

ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | March 4, 2024

Sa isang Facebook live ng ABS-CBN News, isiniwalat na ng aktres na si Andi Eigenmann ang patungkol sa pagpanaw ng kaniyang inang si Jaclyn Jose sa edad na 60.
Nitong Lunes, Marso 4, sinabi ni Andi sa publiko ang dahilan ng pagpanaw ng beteranang aktres.
Ani Andi, “I announced the untimely passing of my nanay, Mary Jane Guck, better known as Jaclyn Jose at the age of 60 on the morning of March 2nd, 2024 due to myocardial infarction or heart attack.”
Patuloy ng aktres, “We’d like to thank everyone who has sent their extended prayers and condolences to us as our family is trying to come to terms with this unfortunate incident.” Humihingi ng privacy ang kanilang pamilya habang sila’y nagluluksa.
Dagdag pa ni Andi, umaasa raw siyang sa kanyang pagbabahagi sa publiko ng dahilan ng pagkamatay ng ina ay hindi na mabahiran ng iba't ibang espekulasyon ang nangyari kay Jaclyn.
Samantala, matatandaang nauna nang kinumpirma ng management ni Jaclyn ang kanyang pagpanaw matapos lumabas sa mga pahayagan ang mga ulat hinggil dito.





Comments