top of page

Kinukunsinti ang mga bakla at tibo, kasalanan daw sa Diyos… FAST TALK NI BOY SA GMA-7, IPINASASARA NI ALVIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 days ago
  • 3 min read

ni Biz @Special Article | March 25, 2026



Boy Abunda at Alvin Aragon - Fast Talk with Boy Abunda

Photo: Boy Abunda at Alvin Aragon - Fast Talk with Boy Abunda



Naglabas ng open letter ang dating StarStruck avenger na si Alvin Aragon sa kanyang Facebook page para manawagan kay GMA Network Senior Vice-President Annette Gozon-Valdez na ipasara ang talk show na Fast Talk with Boy Abunda.


Sa kanyang trending post na ngayon sa social media, iginiit ni Alvin na dapat umanong “alisan ng show” ang tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda, pati na ang writer ng programa, dahil sa nilalaman nito. 


Sa kanyang post, inakusahan ni Alvin na ginagamit umano ang programa bilang plataporma upang “hikayatin at impluwensiyahan,” ang mga Pilipino, lalo na ang mga magulang na tanggapin ang LGBTQIA+ community. 


Ang nilalaman ng open letter (published as is), “Maam Annette,

“Ang king of talk ang dapat inaalisan ng show at ang writer ng show. Kasi he uses, they uses (sic) this platform to encouraged (sic) and influenced (sic) Filipino people especially Filipino parents. 


Gusto nila palabasin na ok lang, na walang masama ang maging bakla, maging tomboy, maging trans at maging queer,” ani pa ni Alvin, na agad namang nagdulot ng magkakaibang opinyon sa social media. 


Dagdag pa sa post nito, “Maam annette alam natin na kasalanan yan sa Mata ng King of kings natin.


“Stop propagating Sin of homosexuality because it is against the Lord Jesus.”

Matatandaang kamakailan lamang ay nag-guest si Alvin kasama ang kanyang misis na si Izzy Trazona, dating miyembro ng Sexbomb Girls, sa Fast Talk with Boy Abunda

Sumunod ding nag-guest sa naturang show ang kanyang stepdaughter na si Sofia Trazona, na proud transwoman ngayon. 


Dahil dito, umugong ang espekulasyon ng ilang netizens na tila nagpapapansin lamang si Alvin, lalo’t may naging pahayag si Tito Boy kaugnay ng kanyang mga patutsda laban sa LGBTQIA+ community. 


Sa panig ni Tito Boy, iginiit niyang sumobra na umano si Alvin, lalo na sa pagbanggit nito sa pangalan ng mga magulang na sumusuporta sa kanilang LGBT na anak, na ayon kay


Alvin ay hindi raw dapat gawin dahil taliwas umano ito sa kautusan ng Diyos. 

Ani Tito Boy, tila pinipilit umano ni Alvin na ang kanyang paniniwala ang “tamang” paraan ng pagpapalaki ng anak. 


Matapang na pahayag noon ni Boy, “Alvin, you cannot impose your faith, your parenting, yourself on us. Para sa akin, ‘yan ang sobra, wala kang pakialam at walang puwedeng humusga sa amin. Walang puwedeng magsabi sa amin, not everyone, not anyone. Kung iba ang iyong paniniwala, sobra ang paggalang ko sa ‘yo.” 


Dagdag na tanong pa ni Boy, “Pupunta ba ‘ko sa impiyerno dahil ako’y queer, dahil I am gay? At pupunta ba ang mga magulang at mga anak na yumayakap sa kanilang mga anak with love and dignity? Hindi kami pupunta sa impiyerno.” 


Samantala, may mga nagkokomento naman sa post ni Alvin na gusto lang daw nitong kumita sa pamamagitan ng engagement kaya todo-papansin ito ngayon at ginagamit pa diumano ang pangalan ng Diyos para siya mag-viral.





KASUNOD ng post na open letter ni Alvin Aragon, nag-react naman ang transwoman na anak ni Izzy Trazona na si Sofia Trazona laban sa bagong hirit ng kanyang stepfather.


Sa isang shared post na mabilis kumalat online, diretsahang binanatan ni Sofia si Alvin.


“You weren’t supposed to be on that show. The irony is sumampa ka sa show knowing na Tito Boy is part of the community because you’ll benefit from it, pero nu’ng other guests shared their piece, ayaw mo na sa show?” prangkang sabi ni Sofia. 

At lalong tumindi ang tensiyon dahil sa patutsada niyang… “Also, wala na ‘bang ibang issue? Why not try speaking for oil price hike or hindi pagpasok ng mga

government officials?”


Oh, ha? Palaban na rin itong si Sofia at mukhang hindi naman siya sinasaway ng kanyang inang si Izzy.


So, hindi lang tungkol sa pananampalataya at pagtanggap ang usapin dito, kundi mas mabigat ang relasyon ng mag-ina na naapektuhan dahil naiipit si Izzy sa pagitan ng kanyang asawa at anak.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page