top of page

Kinuha sa ilalim ng kabaong ng padir… AGIMAT NI RAMON REVILLA, SR., IBINIGAY NA KAY SEN. BONG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 8, 2020
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 8, 2020




Nagluluksa at naninimdim pa rin si Senador Bong Revilla, Jr. sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na amang si Daddy Ramon Revilla, Sr..


Ilang beses nang ipinakiusap at ipinagdasal ni Sen. Bong ang extension ng buhay ng kanyang Daddy Ramon. Hangga't maaari ay ayaw pa niyang mawala sa kanilang buhay ang haligi ng kanilang pamilya at inspirasyong magkakapatid.


Ang kanyang Daddy Ramon ang humubog at tumulong sa kanyang showbiz career. Siya ang naging successor ng kanyang ama bilang action star. Pati na sa kanyang political career ay si Don Ramon Revilla, Sr. din ang tumulong at kanyang naging mentor. Utang niya sa ama kung anuman ang narating niya ngayon.


Nu'ng ililibing na si Don Ramon sa musoleo nila sa Angelus Memorial Park, may maliit na bagay na kinuha si Antipolo Mayor Andeng Ynares sa ilalim ng kabaong ng yumao nilang ama at ibinigay ito sa kanyang Kuya Bong.


Ayon sa ilang kaibigan, baka ito na ang iniwang "agimat" ni Daddy Ramon na pamana kay Sen. Bong.


Si Sen. Bong Revilla, Jr. na ang magtutuloy ng legacy ng kanyang yumaong ama.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page