top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

KINITA NI ALDEN SA MOBILE LEGENDS, IDINONEYT SA MGA BIKTIMA NI ULYSSES

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 18, 2020
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 18, 2020




Sa pamamagitan ng kanyang gaming livestream nitong Linggo nang gabi, nakalikom ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ng pera upang makatulong sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.


Tinatayang umabot sa mahigit P200,000 ang naipon ni Alden mula sa mga nag-donate ng "stars" sa naging laro niya sa Mobile Legends. Lahat ng natanggap niyang stars na may katumbas na halaga ay ido-donate niya para sa mga biktima ng bagyo.


Sa kanyang Twitter account, taos-pusong nagpasalamat ang Kapuso star sa mga sumali at nag-abot ng tulong.

Aniya, “Maraming salamat sa lahat ng nag-donate. Patuloy po tayong tumulong sa abot ng ating makakaya sa mga nasalanta ng bagyo. God bless and keep safe.”


Samantala, nakaabang na rin ang mga fans ni Alden sa kanyang anniversary concert sa darating na December 8, ang Alden’s Reality. Almost sold-out na ang tickets para rito kaya bisitahin na agad ang www.gmanetwork.com/synergy para alamin kung papaano magiging parte ng kauna-unahang virtual reality concert sa bansa!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page