Kinagat sa binti ng nakawalang bulldog
- BULGAR
- Dec 29, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 29, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Flor ng Camarines Sur.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nakawala sa kulungan ‘yung bulldog namin, tapos kinagat ako nito sa binti.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Flor
Sa iyo, Flor,
Ang ibig sabihin ng bulldog sa panaginip mo ay kung sino pa ‘yung kaibigan na hindi mo pinagkakatiwalaan ay siya pa ang tapat at maaasahan sa sandali ng kagipitan.
Samantala, ang sabi mo ay nakawala sa kulungan ‘yung bulldog at kinagat ka sa binti. Ito ay nagpapahiwatig na may katwiran ka kaya hindi mo pinagkakatiwalaan ang isa sa iyong mga kaibigan. Gayundin, may dahilan ka para mawalan ng tiwala sa naturang tao.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments