top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kinagat ng aso, pahiwatig na malalagpasan ang mabigat na problema

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 5, 2021
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 05, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jennifer ng Caloocan.


Dear Maestra,

Kumusta kayo? Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan.

Napanaginipan kong naglalakad ako sa kalsada at may nakasalubong na aso. Panay ang tahol niya sa akin hanggang sa tuluyan itong lumapit at kinagat ako, kaya nagsisigaw at nag-iiyak ako. Nang ako’y mahimasmasan, taimtim akong nagdasal na sana ay walang rabies ang asong nakakagat sa akin. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Jennifer ng Caloocan


Sa iyo, Jennifer,

Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo. Ibig sabihin, malalagpasan mo na ang mabigat na problemang gumugulo sa iyong isipan sa nakaraang mga araw. Malulutas mo na ang mga ito at magiging maligaya ka na. Batid kong nagdaan ka sa matinding pagsubok noong mga nakalipas na araw at halos hindi mo malaman ang iyong gagawin.


Subalit sa tindi ng iyong pananalig sa Diyos, sasaiyo na ang magagandang kapalaran at pagpapalain ka na. Ito ay patunay lang na napakahalaga ng pagdarasal sa buhay ng tao. Ipagpatuloy mo ang marubdob na pananalig sa Diyos at makatitiyak ka na magaan mong malalampasan ang anumang pagsubok na darating sa iyong buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrella de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page