KIM, KINUNSENSIYA ANG MGA NAG-AUDITION SA PBB NA YES TO ABS-CBN SHUTDOWN NOON

ni Nitz Miralles - @Bida | October 27, 2020

Iba ang pananaw ni Kim Chiu sa mga nag-audition sa PBB na dati ay sumuporta sa shutdown ng ABS-CBN. Hindi galit sa kanila si Kim at hindi rin niya kinantiyawan ang mga nag-audition na ayaw mabigyan ng franchise ang network.
“Okay lang kung mag-audition sila. At least, hindi nanaig ‘yung sinabi nilang ‘yes to ABS-CBN shutdown.' Meron pa ring liwanag. At the same time, sa ginawa nilang ‘yan, sinu-support pa rin nila ‘yung Kapamilya Channel. So, parang kinain lang nila ‘yung sinabi nila.
“At the same time, maganda rin ang ginawa nilang pag-o-audition kasi, at least, nabigyan sila ng hope na maging isang housemate at matupad nila ‘yung pangarap nila for their family.
“At naniniwala pa rin sila na because of this Kapamilya Channel, because of Pinoy Big Brother opening the house again sa lahat ng nangangarap, at least, naniniwala pa rin sila na there’s still hope. Kahit na sinabi nilang ‘yes to ABS-CBN shutdown, naniniwala pa rin sila na meron pa ring pag-asa rito sa ABS-CBN.”





Comments