Kim Hanbin, balik-Manila
ni Angela Fernando - Trainee @News | March 31, 2024

Muling bibisita ang South Korean singer-rapper na si Kim Hanbin o mas kilala sa kanyang alyas na ‘B.I.’ sa 'Pinas para sa kanyang "Hype Up Tour."
Ibinalita ng Three Angles Production sa ‘X’ na magaganap ang nasabing event sa Hunyo 9.
Marami naman sa mga fans ni B.I. ang nakaabang na para sa ticket selling at excited sa pagbabalik ng singer sa bansa dahil very successful ang mga shows nito.
May mga netizens din na nagbubunyi dahil madalas ang nagiging pagbisita ng singer sa Manila. Malapit nga ito sa kanyang mga fans kaya hindi na maitago ang excitement ng mga ito at nagpakita ng kanilang suporta sa mga posts sa iba't ibang social media platforms.





Comments