top of page

Kilos ng mga hayop, pahiwatig na may parating na kalamidad

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 8, 2020
  • 3 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 8, 2020




Ayon sa may 2,400 na taon nang dokumento, naobserbahan ng mga ninunong Griyego na ang mga hayop kabilang na ang mga ahas at daga ay kamangha-manghang inabandona ang siyudad ng Helice bago pa dumating ang mapangwasak na lindol sa lugar.


Sa kabuuan ng kasaysayan at sa ika-21 siglo, ang mga kakaibang ugali ng hayop na bago pa man ang natural disaster ay patuloy na pinaniniwalaan ayon na rin sa masipag na pagsasaliksik at espekulasyon, pero walang malinaw na makabuluhang rason kung bakit ito nangyayari.


Ang mga domestic animals, tulad ng manok na hindi naman nangingitlog pero putak nang putak, ang baka o kalabas na hindi naman ginagatasan, o mga salagubang na inaabandona ang kanilang bahay pukyutan, ilang araw o minuto bago dumating ang buhawi, malakas na hangin, lindol at maging ang tsunami ay isang batayan para maibalita ang mga magaganap na sakuna.


Ang pinaka-karaniwang abnormal na ugali sa lahat na nagpapakita na may darating na sakuna ay ang aso. Sa gitna ng global studies sa penomena na ito, patuloy ang China na pinag-aaralan ang forecast ng lindol mula sa ugali ng mga hayop.


Pero isa sa Chinese studies ay nakongklusyon na hindi lahat ng lindol ay makikita muna sa kakaibang ugali ng hayop. Ang sensitibidad ng hayop sa geological vibrations at sa electromagnetic changes maging sa atmospheric pressure ay ayon sa siyentipikong batayan.


Pero naging balido ang sensitibidad ng pagiging abnormal sa ugali ng hayop ay nang unang maganap ang mga matitinding sakuna noong 2010.

1. ASO AT PUSA.

Mula naman sa pag-aaral na tinatawag na "Animal Earthquake Project," nagpatuloy si expert David Jay Brown na palawigin pa ang pag-aaral, gawing makabuluhan at saliksikin ang depenidong rason sa kakaibang pag-uugali ng mga nabanggit na hayop bago pa mangyari ang mga ‘di inaasahang sakuna. Sa kanilang findings, iniulat ni Brown na nagtatago ang mga pusa, umuungol ang mga aso at nangangagat ng sariling amo bago pa man na sumambulat ang lindol.

Ang animal behaviorist at may-akda ng “The Naked Ape,” sinabi ni Desmond Morris na ang aso ay madalas na hindi mapakali, maingay, nagpipiksi kapag may walang tigil na kulog. Idinahilan ni Morris na dahil sa ang olfactory senses ng aso ay 10,000 hanggang 100,000 na ilang ulit na mas malakas kumpara sa tao, may tsansang nababago ang kanilang pang-amoy sa hangin bago pa man na ang bagyo at lindol ay darating. Ang mga pusa ay panay ang sipa at urong sa kanyang kainan at tulugan, nagtatago at nagsisiksik sa tagung-tagong lugar bago sumapit ang malakas na bagyo at lindol.

2. PATING.

Ang mga siyentipiko sa Mote Marine Laboratory ng Sasrasota, Florida ay nadokumento na ang 14 na kinabitan ng electronic black tip tag na mga pating na lumangoy sa mas malalim pang tubig ng 12 oras bago maganap ang 2004 buhawi na si Charley at nanalasa sa Gulf Coast ng Florida. Namonitor sa halos apat na taon sa mas mababaw na tubig bago pa ang ‘di pangkaraniwang pag-uga, lahat ng 14 na pating ay hindi na nagbalik sa sea laboratory ng halos dalawang linggo. Inireport ng mga siyentipiko na ang bagong inoobserbahang ugali ng mga pating ay may kaugnayan sa biglaang pagbagsak ng barometer readings nang papalapit na ang buhawi at mananalasa sa lupa.

3. ELEPANTE.

Ayon sa Turner Network News report, matapos ang 2005 tsunami na nagwasak sa kabuuan ng Indian Ocean coastline at pumatay sa halos 200,000 katao, tumutrumpeta ang mga working elephants, pilit kumakawala sa pagkakatali sa kadenang bakal at pilit na tatakbo tungo sa mataas na lugar bago pa man dumating ang tsunami sa dalampasigan ng Thailand. Dalawa sa mga elepanteng kumawala sa kadena ang tumakbo paakyat ng bundok at buong magdamag na umiiyak bago dumating ang tsunami kinabukasan ng umaga.

4. MGA IBON.

Ang mga ibon lalo na noong maganap ang 2005 Indian Ocean tsunami ay biglaang inabandona ang kanilang mga pugad bago pa naganap ang sakuna sa Thailand. Malakas na hagupit man ng buhawi, hangin, lindol at pagsabog ng bulkan, ang reaksiyon ng mga ibon bago maganap ang sakuna ay ang lisanin kaagad ang kanilang mga pugad.

5. KABAYO.

Ang mga karaniwang tahimik na kabayo ay nagpapapadyak, umaangil at gumugulong sa lupa kapag may darating na masamang panahon o lindol. Kapag mas maraming kabayo ang ganito ang ginagawa, tiyak na poporma sila ng paikot at pare-pareho silang natatakot, bilang babala sa darating na delubyo.

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page