top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

‘Kill, kill, kill’ sa mga plunderer, next na ‘yan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 10, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 10, 2021



KUNG MAY ‘KILL, KILL, KILL’ SA MGA KOMUNISTA, DAPAT MAY ‘KILL, KILL, KILL’ DIN SA MGA PLUNDERER—Sabi ni Presidential spokesman Harry Roque na hindi labag sa batas ang “kill, kill, kill” order ni P-Duterte laban sa mga komunista.


Kung hindi labag sa batas ang utos ni P-Duterte, aba, dapat magpalabas na rin ng direktiba ang pangulo sa mga militar at parak nang “kill, kill, kill” sa mga plunderer o mga nagnanakaw sa kaban ng bayan, boom!


◘◘◘


BAKA BACK-TO-NORMAL NA ANG BUHAY SA IBANG BANSA, PERO SA PILIPINAS HINDI PA TAPOS SA PAGBABAKUNA—Sa 70 milyong Pinoy na target mabakunahan ng Duterte gov’t. ay higit 29-K pa lang ang inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na nabakunahan.


Nakupo, kung ganyan kakupad ang DOH sa pagbabakuna, malamang next year ay back to normal na ang pamumuhay sa ibang bansa, pero sa Pilipinas, hindi pa tapos ang pagbabakuna.


Kunsabagay, hindi malayong mangyari ‘yan kasi ayon sa datos na inilabas ng ASIAN Studies Centre ay kulelat ang Philippine gov’t. sa pagtugon sa laban kontra COVID-19, boom!


◘◘◘


BAKA AKALA NINA P-DUTERTE AT ROQUE, SI VP LENI ANG HEAD NG PGH PHYSICIANS ASSOCIATION—Kahit pinagkalooban na ng Foods and Drugs Administration (FDA) ng Emergency Use Authorization (EUA) ang made in China na Sinovac ay hiniling ng mga doktor na kasapi ng Philippine General Hospital-Physicians Association na idaan pa rin ito sa evaluation ng Health Technology Assessment Council (HTAC) bago iturok sa mga health workers ay dinedma lang ito ng pamahalaan, pero nang paboran ni Vice-Pres. Leni Robredo ang hiling ng mga doktor ng PGH ay biglang nagalit sina P-Duterte at Roque kasi kinokontra raw ng bise-presidente ang diskarte sa bakuna ng gobyerno.

Baka akala nina P-Duterte at Roque ay si VP Leni head ng PGH Physicians Association kaya sa bise-presidente sila nagagalit, he-he-he!


◘◘◘


BANGAYAN NG MGA TRAPO, STOP MUNA KASI MATAAS NA ANG PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN—Matapos iulat ng PSA (Philippine Statistics Authority) noong Marso 5, 2021 na pumalo na sa 4.7 ang inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin sa bansa ay isinapubliko rin kahapon ng PSA na 8.7% ng mga Pinoy k katumbas ng mahigit 4 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho sa Pilipinas.

Ganyan na katindi hirap na dinaranas ng mga Pinoy, tapos ang inaatupag ng mga trapo (traditional politicians), bangayan nang bangayan, mga pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page