top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kelvin, nag-sorry sa pagnguya ng chewing gum

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 1, 2024
1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 1, 2024




Agad na humingi ng dispensa ang Kapuso actor na si Kelvin Miranda matapos maging isyu ang kanyang pagnguya ng chewing gum sa premiere night ng sariling pelikulang "After all" nu'ng Pebrero 26, 2024.


Ayon sa aktor, paraan niya lang ito upang maalis ang nararamdamang nerbiyos dahil nanginginig na ang kanyang katawan.


Ilang mga netizens ang sumubok na kastiguhin ang ikinilos ng aktor sa nasabing event dahil bastos daw ito tingnan ngunit agad itong pinabulaanan ng aktor sa isang statement.


Saad ni Kelvin, "Sa akin lang, bago pa po sa akin ang pakiramdam ng lahat. [Hindi] ko alam [kung] paano i-handle ang emosyon at lahat ng pangyayari. Idinaan ko na lang sa pag-che-chewing gum. Pero 'wag kayo mag-aalala humihingi ako ng pasensya sa lahat at hindi na mauulit. Naging coping mechanism ko s'ya which is not good."


Nilinaw din nitong hindi niya ito ginawa upang magmukhang gwapo sa mata ng madla.


Hindi naman nakalimutan ng aktor na magpasalamat para sa mga taong pumuna sa ikinilos niya dahil naging aral ito para sa kanya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page