top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Kelot na may 3 gf, si Ms. Sagittarius ang makakatuluyan

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 21, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | October 21, 2023


Dear Maestro,


Hindi naman sa pagmamayabang pero may tatlo akong girlfriend, nalilito ako kung sino sa kanila ang seseryosohin ko, kaya naisipan kong komunsulta sa inyo. Sino kaya sa kanilang tatlo ang nakatadhana para sa akin?


Naka-date at nakasama ko na silang lahat sa iba’t ibang pagkakataon at higit akong nagandahan sa girlfriend kong isinilang noong June 4, 2003, habang ‘yun dalawa namang isinilang noong November 29, 2000 at July 3, 2001 ay oks lang.


Ang birthday ko ay August 19, 1999.

Umaasa,

Kelvin ng Damayan, SFDM, Quezon City

Dear Kelvin,


Ang zodiac sign mong Leo ay nagsasabing higit mong ka-compatible ang gf mong isinilang sa zodiac sign na Sagittarius, kung ikukumpara sa dalawa mo pang nobya na may zodiac sign na Gemini at Cancer.


Dahil ayon sa Astrology, lumilinaw na ngayon na talagang ka-compatible mo ang isang Sagittarius. Kung saan, siya ang kasalukuyan mong girlfriend na may birthday na November 29, 2000. Nangyaring ganu’n, sapagkat ang Sagittarius at Leo ay may iisang elementong tinataglay at ito ay ang elementong fire o apoy.


Habang sa Numerology naman ang birth date mong 19 na isang strong number dahil ang 19 ay may sumatotal na 1 (ang 19 ay 1+9=10 1+0=1) ay suweto ring isama sa weak number na 29 o 2, (naging 2 ang 29 dahil ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2). Dahil ang pagsasama ng strong number na 1 na may ruling planet na Sun at weak number na 2 na may ruling planet na Moon ay tiyak na sasagana at liligaya habambuhay.


Ibig sabihin, kung sa tatlong girlfriend mo ay nagbabalak ka na na magseryoso, ang dapat mong seryosohin ay walang iba, kundi si Ms. Sagittarius na nagtataglay ng birthday na November 29, 2000. Kung saan, kapag kayo ang nagkatuluyan, walang duda, may isang matagumpay at maligayang pagpapamilya ang nakalaan para sa inyo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page