KC, MAY TIME MAKIPAG-BONDING SA MGA PINSAN, KAY SHARON AT MGA UTOL, WALA
- BULGAR

- Dec 9, 2020
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | December 9, 2020

Ikinatuwa ng mga fans nina Sharon Cuneta at KC Concepcion ang nabanggit ng huli sa kanyang video na pinadalhan niya ng turkey ang mom niya.
Ang kapalit noon ay pinadalhan siya ni Sharon ng sabi ni KC ay “little things that count” kasama ang Frederic Malle Eau de Magnolia.
Kaya ang pakiusap ng mga supporters ng dalawa sa mga bashers, tigilan nang pag-awayin ang mag-ina, ‘wag nang gatungan, ‘wag nang makisawsaw para hindi na mas gumulo pa.
Hindi lang talaga maiwasan na kahit positive ang post ni KC, gaya ng pakikipag-bonding niya sa mga pinsan niya sa side ni Sen. Kiko Pangilinan, nahanapan pa rin ng negative ng ibang netizens.
Bakit daw may time siya sa mga pinsan niya, pero sa mga kapatid sa ina na sina Frankie at Miel, tila wala siyang time.
Na-explain na ito ni KC at ang pinakarason ay ang laki ng agwat ng edad niya sa mga kapatid. Para nga namang wala silang pag-uusapan dahil sa kanilang age gap.
Malay natin, sa Pasko at Bagong Taon, makita natin si KC with her mom, Sen. Kiko and her siblings sa bahay nina Sen. Kiko at Sharon.





Comments