Kaya wa' na sey sa hiwalayan nila, Ellen... ANDREA, AYAW MASAKTAN SI DEREK

ni Nitz Miralles - @Bida | March 2, 2021

Hindi pala talaga magsasalita si Andrea Torres, lalo na sa isyu sa kanila ng ex niyang si Derek Ramsay. Kahit siguro may kinalaman sa pagdedepensa sa kanya ni Derek sa basher ay no comment si Andrea dahil sabi niya sa interview sa kanya sa Kumu, hindi siya magsasalita kahit may nagawa nang hindi maganda sa kanya.
“Kapag kunwari, 'pag meron nang nagagawang hindi okay sa iyo, hindi ako 'yung type na magsasalita na iko-call ko attention mo. Nahihiya ako lagi. Hindi ako ‘yung type na magsasalita. Pinag-iisipan ko talaga bago ako magsalita.”
Naiinis na nga raw sa kanya ang mga kaibigan kung bakit hindi siya nagsasalita, bakit hindi siya nagre-react?
“Pero 'yun nga, lagi ko kasing iniisip, baka ma-offend. Huwag na nga lang.”
Sa paniwalang ito ni Andrea na makakasakit siya ‘pag nagsalita pa, hindi nga natin siya mae-expect na mag-react sa isyu sa kanila ni Derek.
Samantala, may balak pala ang Legal Wives star na magbiyahe sa Europe mag-isa dahil dream niya ito.
“Gusto kong puntahan ang Europe. Gusto ko lang mag-ikut-ikot. Mahilig akong maglakad-lakad, mag-explore. Gusto kong maglakad-lakad sa streets, puntahan kung ano ang maisipan ko na cafe at restaurants at makipag-usap sa mga strangers at magbasa lang ng libro.”
Sinusubukan na nga niyang maglakad at mag-explore sa locked-in taping ng Legal Wives. Naliligaw siya minsan, pero tuloy pa rin siya. Ine-embrace raw niya ang ginawa ng bida sa pelikulang Eat, Pray, Love.





Comments