Kaya todo-kayod… DIANNE AT RODJUN, MAY LUPA NANG PAMANA SA 2 ANAK
- BULGAR
- Jun 13
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 13, 2025
Photo: Dianne Medina at Rodjun Cruz - IG
Kung si Mylene Dizon ay walang balak pamanahan ng mga ari-arian ang mga anak dahil mas gusto niyang magkaroon ang mga ito ng properties sa sarili nilang pagsisikap, kabaligtaran naman niya sina Dianne Medina at Rodjun Cruz, na kahit bata pa lang ang mga anak ay unti-unti nang nagpupundar ng ipamamana ang mag-asawa.
Kamakailan lang ay nag-post sa social media si Dianne ng video na nagpapakita ng kanilang bahay, at sa harap ng kanilang bahay ay may bakanteng lote na nabili nila noong 2022 na para sa anak nilang si Joaquin.
At ngayong 2025 naman ay bumili ulit sila ng lote para naman sa anak nilang si Isabella.
Ito naman ang sinabi ni Dianne sa kanyang Instagram (IG) post: “Dreams do come true! Anything is possible with my Lord Jesus! Year 2022 when we got the LOT across our house for Joaquin.
“May katabi siyang LOT so naisip namin for Isabella pero ayaw ibenta for the longest time. Everyday, Rodjun (RJ) and I will pray over the LOT and manifesting na makukuha namin ni Daddy RJ.
“Ngayon, nakuha na namin. Thank you Jesus ikaw po talaga lahat ito. We are nothing without you! Thank you Jesus for blessing us more than we deserve.
“@rodjuncruz Teamwork makes the dream work! Kayod again! More more work! In Jesus name! Looking forward to our next investment! Claiming it!
“Posted this not to brag but to inspire and remind everyone that WITH GOD ALL THINGS ARE POSSIBLE Matthew 19:26.”
Marami naman ang humanga sa mag-asawang Dianne at Rodjun sa pagsisikap na mabigyan ng magandang buhay ang mga anak.
Pak, ganern!
THE one and only Gerald Anderson is making a comeback. Ano nga kaya ang magiging ganap ng Action Royalty?
Abangan siya at mga ganap niya sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition.
Marami ang natuwa sa pagpasok ulit ni Gerald sa Bahay ni Kuya. May mga netizens na nagtatanong kung sino kaya ang isasama ni Gerald sa loob ng Bahay ni Kuya — si Kim Chiu, si Maja Salvador, si Sarah Geronimo, si Pia Wurtzbach, si Bea Alonzo, o si Julia Barretto?
Pakihulaan na nga lang po, Madam Damin.
Na-extend daw ang buhay dahil sa stemcell…
“HANDA NA AKO KUNG HANGGANG SAAN ANG IBIBIGAY SA AKIN NG LANGIT” — LOLIT
Ito naman ang latest update sa kalagayan ng kalusugan ni Doña Lolit Solis na ibinahagi niya sa Instagram (IG) post.
“Siguro talagang doble-ingat na talaga ang dapat kong gawin sa katawan ko.
“Talagang feel ko na ang pagiging 78 years old ko, at ang tangi ko na nga lang consolation ‘pag naalala ko na ‘yong mga kasabay ko mas una nang umalis at actually, sa batch namin, ako na lang ang naiwan.
“Sure ako na baka hindi na ako kilala ng mga bagong stars na mas kilala na ang mga bagong showbiz writers.
“Eye-opener sa akin itong huli kong pagkakasakit dahil talagang nahirapan ako at parang nagkaroon pa ng mental lapse.
“Natakot nga ako dahil sobra ang pagiging forgetful ko. Saka talagang grabe ang weaknesses na na-feel ko. Halos hindi ako makatayo kung minsan. Talagang bibigay ka physically ‘pag nasa edad ka na, at tanggap ko na ito.
“Pasalamat nga ako actually dahil at my age, parang energetic pa rin ang kilos at salita ko. Pero pagkatapos ko magkasakit, nagkaroon ako ng realization na magdahan-dahan. Baka bigla sa daan ako abutin ng sumpong, bigla ako mahilo, at matumba. So lucky na inabot ko pa ang edad na 78, na ganito pa rin ang energy ko at enthusiasm ko sa trabaho.
“So lucky na nagpapaalam na ako sa mga alaga ko, pero ang sarap pakinggan ng sinabi ni Bong Revilla na habang buhay ako, hindi siya hahanap ng PR/manager.
“I love showbiz. Showbiz people are my family. I will always treasure my beautiful memories all my life. Sure ako aabutin ko pa maging Presidente si Vico Sotto na sure ako, iboboto ko. Pero handa na rin ako kung hanggang saan lang ang ibibigay sa akin ng Langit. Sana nga, totoo na kaming stem cells ladies, Dra. Vicki Belo, Rubby Coyuito, Wilma Galvante, Lorna Tolentino at talagang binigyan ng extension ng injection ni Dr. Muehler at Dr. Morato ng Germany.”
‘Yun lang and I thank you.
Comments