Kaya todo-enjoy lang sila ng mister na si Matteo… SARAH, BAWAL PANG MABUNTIS

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 11, 2020

Nakakapag-adjust na si Sarah Geronimo sa kanyang buhay bilang Mrs. Guidicelli. Nag-aaral na siyang mag-bake at magluto. At kung dati-rati ay 9 AM o 10 AM ang gising niya, ngayon ay 6 AM na siya bumabangon para mag-prepare ng breakfast nilang mag-asawa.
Pero sinasabihan siya ni Matteo na bumalik ulit sa pagtulog at hindi na siya dapat asikasuhin ng misis. Maagang bumabangon si Matteo dahil nagwo-workout.
Nakikita raw ni Matteo na masaya si Sarah dahil nagagawa niya ang mga bagay na gusto niyang gawin. Magkatulong sila ngayon na namimili ng mga gamit nila sa bahay. Marami silang dapat asikasuhin sa kanilang paglilipat ng bahay. At natutuwa ang mga showbiz friends nina Sarah at Matteo dahil pagkatapos ng anim na taon ay malaya na silang nagkakasama ngayon bilang husband and wife!
At malulubos ang kanilang kaligayahan kung mabibiyayaan na sila ng mga little angels. Pero may mga product endorsements pa si Sarah. Posibleng isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi pa puwedeng magkaanak ang Pop Star dahil kasama ito sa kontrata niya.
Masuwerte sina Marian Rivera, Judy Ann Santos at Jolina Magdangal na marami pa ring endorsements kahit may asawa't mga anak na.





Comments