Kaya todo-enjoy habang bina-bash… “PINAGKAKAKITAAN KO ANG MGA BASHERS KO” — LUIS
- BULGAR

- 1 day ago
- 3 min read
ni RJ Matociños (OJT) @Special Article | July 30, 2026

Photo: IG _luckymanzano
Walang preno at punumpuno ng halakhak ang naging one-on-one interview nina Aiko Melendez at Luis Manzano, kung saan ibinunyag ng tinaguriang ‘Lucky’ ng pambansang telebisyon ang kanyang diskarte sa pagharap sa mga online critics at bashers.
“SOCIAL MEDIA BROUGHT OUT A LOT OF COWARDS!” sey ni Luis kay Aiko, sabay sabing hindi siya nangingiming patulan at sagutin ang mga bashers, lalo na kung may totoong mukha at pangalan ang mga ito at hindi troll account.
“‘Di ako sasagot sa troll. ‘Pag sinagot kita, ibig sabihin, may picture ka, at na-research na kita. So, ‘pag sumasagot ako, either na-research ko na o nakuha ko na ‘yung picture mo.
“Wala, eh, it’s part and parcel of what we do. If it’s something constructive, no problem by all means, kung alam ko ang intensiyon mo is the betterment of my hosting o me in general. Pero kung alam kong troll, eh, di sagutan tayo! Never ako napipikon. Akala ng iba, napipikon ako, pero tawang-tawa ako!” hirit ng host-aktor.
Hindi rin napigilan ni Luis na patamaan ang mga nagtatago sa likod ng mga pekeng profile.
“Social media and anonymity brought out a lot of... sorry to say it, cowards. Kasi iba ang tapang ‘pag kaya mong tumira ng tao nang harap-harapan. Pero kapag wala kang profile picture, abot-langit ang tapang mo!”
Binigyang-diin pa ni Luis na matagal na niyang sinasabi sa kanyang mga nakaraang panayam na pinagkakakitaan niya lamang ang mga bashers at nagpapasalamat pa siya sa dagdag na kita na ibinibigay ng mga ito sa kanyang social media accounts.
“Pinagkakakitaan ko lang mga bashers ko! Kasi ‘pag may natawa ru’n sa sagot ko sa isang basher, tataas ‘yung engagement ng post na ‘yun. ‘Pag maraming views ‘yun, eh, di tataas pa ‘yung monetization ko! So, habang namba-bash sila, sumasarap ang ulam ko!” pilyong pahayag pa ni Lucky.
MULING pinatunayan ng veteran actress na si Dimples Romana ang kanyang wagas na pagmamahal at pagsuporta sa matalik na kaibigang si Bea Alonzo, matapos siyang maglabas ng damdamin ukol sa mister na ngayon ni Bea na si Vincent Co.
“Para pa rin kaming 16 years old ‘pag nag-uusap!” pagbabahagi ni Dimples na mismong si Bea raw ang nagpadala sa kanya ng larawan nilang dalawa ni Vincent.
Sa panayam, inalala ng aktres ang kanilang mahabang pinagsamahan mula pa noong pareho silang 16-anyos hanggang sa ngayon na nasa 40s na sila.
Aniya, tuwing mabo-brokenhearted si Bea noon ay sa bahay nila ito tumatakbo.
Kaya naman nang makita niya ang kaligayahan ng kaibigan ngayong kasama na nito si Vincent, labis din ang saya niya.
“When you’re a friend and you’ve seen your friend cry many times or be broken over and over again, and you finally find somebody who is going to show her the love that she deserves, my heart was at peace. Parang ganu’n ‘yung naramdaman ko, parang at peace ako... and if I’m at peace, I’m sure her heart is also at peace,” emosyonal na pahayag ni Dimples.
Binigyang-diin din ni Dimples kung gaano niya nagustuhan ang pagiging payak o simple ni Vincent at ng buong pamilya nito, na bagay na bagay para sa kanyang matalik na kaibigan.
“I’m just grateful that they found each other,” dagdag pa ng aktres na puno ng pasasalamat para sa bagong kabanata ng buhay-pag-ibig ni Bea.





Comments