‘Di alam na naka-video… VICE, NAGHUBAD HABANG NAGSASAYAW SINA VHONG AT DARREN
- BULGAR

- 7 hours ago
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | January 18, 2026

Photo: TikTok _vhongx44
Umabot na sa 24M views ang ipinost ni Vhong Navarro sa kanyang Facebook (FB) account kung saan nakuhanan ng video si Vice Ganda habang nagtatanggal ng pantalon at jacket at natira ang panloob na one-piece sexy outfit.
Nagpa-practice ng sayaw sina Darren Espanto at Vhong at hindi nila sinasadyang mahagip sa video si Vice.
Natawa na lamang ang dalawa nang makita nila ito na hindi aware at tuluy-tuloy sa pagtatanggal ng damit.
Ipinost ni Vhong ang video kahapon nang hapon.
“Practice pa lang sana namin ni Darren, pero i-post ko na rin, baka mag-trending,” sabay emoji ng laughing face with tears.
Habang isinusulat namin ang balitang ito, umabot na sa 24M views, 3,100 shares at 7,900 comments ang nasabing video.
Wala pang sagot si Vice tungkol sa post ni Vhong nang itsek namin sa kanyang social media, na kadalasan ay may witty post agad kapag nagte-trending ang Best Actor ng 51st Metro Manila Film Festival (MMFF).
Either dinedma na ito ni Vice o abala lang siya sa ngayon, pero hinihintay pa rin ng madlang pipol ang kanyang reaksiyon.
Samantala, palabas pa rin ang pelikulang Call Me Mother (CMM) sa mga sinehan at dahil ipapalabas din ito sa international market, siguradong lalampas sa P400M ang gross nito.
Sitsit sa amin habang isinusulat ang balitang ito, “Awa ng Diyos, kumikita na. ‘Di ko sure kung umabot na ng P400 million kasi ‘yung international, ngayon pa lang, pero malapit na sa kinikita ngayon sa local box office.”
ANIM na pelikula ang nagbukas ngayong ikalawang linggo ng Enero na binigyan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng kaukulang ratings.
Ang anim na pelikula para sa linggong ito ay may mga temang komedya, pakikipagsapalaran, drama, pag-ibig, horror, at aksiyon. Nangunguna ang Pinoy thriller na A Werewolf Boy, isang remake ng 2012 South Korean film na may kaparehong pamagat.
Nakakuha ito ng PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) para sa edad 12 pababa at kailangang may kasamang magulang o nakatatanda.
Tungkol ito sa isang dalagita na lumipat sa probinsiya kasama ang pamilya at nakatagpo ng isang misteryosong binata na naninirahan sa kanilang bakuran.
Nagbigay din ang MTRCB ng angkop na klasipikasyon sa limang international na pelikula, kabilang ang animated adventure-comedy na The SpongeBob Movie: Search for SquarePants (TSMSFS).
Pakikipagsapalaran ito ni SpongeBob upang patunayan ang kanyang tapang habang nilalakbay ang Underworld kasama ang multong pirata na si ‘The Flying Dutchman’.
PG din ang Indian comedy na Happy Patel: Khatarnak Jasoos (HPKJ) at ang American post-apocalyptic survival-disaster-thriller na Greenland 2: Migration (G2M).
Samantala, ang The History of Sound (THOS) na pinagbibidahan nina Paul Mescal at Josh O’Connor ay rated R-13 para sa mga edad 13 pataas. Kuwento ito ng dalawang lalaki na nagkakilala noong 1917 habang nag-aaral sa New England Conservatory of Music. Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, naglakbay sila sa mga liblib na lugar ng Maine, USA, upang magtala ng mga awiting-bayan noong 1920.
Para naman sa mas nakatatandang manonood, ang post-apocalyptic horror film na 28 Years Later: The Bone Temple (28YLTBT) ay rated R-16 para sa mga edad 16 pataas.
Nagpaalala ang MTRCB na gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa mga pelikulang pinanonood.
“May ilang mga karakter na gumagawa ng mga katawa-tawang pag-arte o ‘di kaya’y mapanganib na kilos. Bagama’t malinaw na ‘di makatotohanan, mahalagang ipaalala sa mas batang manonood na ang mga eksenang ito ay hindi dapat tularan sa totoong buhay,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto.
Sinasakyan lang ang trip para tumigil na…
SIKAT NA PERSONALIDAD, TODO-GIMIK MAPAG-USAPAN LANG

BLIND ITEM:
TSIKAHAN ng ilang kasamahan sa panulat ang iba’t ibang gimik ng isang kilalang personalidad para lamang mapag-usapan.
Ayaw na ayaw kasi ng kilalang personalidad na hindi siya napag-uusapan, lalo na kung maraming maiinit na tsika gaya ng isyu sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na tila hindi natatapos, mga pelikulang kumita at hindi kumita sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF), at mga celebrity couples na naghiwalay, nagpakasal, o nag-away.
Ayaw niyang hindi masali sa mga isyu kaya gumagawa ng sariling gimik na sinasakyan na lang ng mga nakapaligid at nakakakilala sa kanya para tumigil na, dahil may pinagdaraanan umano ito.
Pero ang tanong, hanggang kailan siya maggagaganyan?
Minsan ay napapahamak pa ang ilang tao dahil sa mga isyung gimik ng kilalang personalidad. Kaya hindi na lang siya pinapatulan para hindi humaba ang isyu, pero tila baligtad dahil habang hindi siya pinapansin ay lalo siyang nag-iingay.
“Ano nga ba ang dapat gawin? Mas mabuti na ring ‘wag patulan at hayaang magsawa s’ya sa kakagawa ng gimik,” kaswal na komento ng lahat.








Comments