top of page

Kaya raw ‘di ibinotong senador… “BOBO AKO, IBALIK N'YO SA SENADO” — PACQUIAO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 19, 20255



Photo: Manny Pacquiao - IG


Hindi rin makapaniwala ang maraming Pinoy na ang dating sikat at world champion boxer na tulad ni Manny Pacquiao ay matatalo sa midterm election. 


Pero batay sa obserbasyon ng mga political analysts, maraming factors kung bakit natalo si Pacman nang tumakbong senador. 


Una sa lahat, hindi siya gaanong nangampanya at hindi gumastos para sa kanyang campaign materials. Ni hindi siya halos nagpa-ads sa anumang network at hindi nagpa-presscon. 


Sobra raw ang kumpiyansa sa sarili ni Pacman at inakalang sikat pa rin siya.

Isa pang factor na ikinatalo ni Pacquiao ay hindi niya gaanong natutukan ang kanyang kandidatura bilang senador dahil sa dami ng kanyang inaasikaso. 


May mga partylists siyang ineendorso at tumutulong pa sa kandidatura ng iba niyang kamag-anak kaya kalat-kalat ang kanyang atensiyon.


Naging setback din ni Pacman ang kanyang sinabi sa kampanya na naging slogan niya na: “Bobo ako, ibalik n’yo sa Senado.”


Sa halip na matuwa ang mga botante ay nabuwisit tuloy kay Pacman. 


Ayon pa sa ilang mga netizens, sinayang ni Manny ang magagandang oportunidad na dumating noon sa kanyang buhay. Hindi niya inalagaan ang legacy ng kanyang pagiging world champion sa boxing. Kumupas na ang ningning ng kanyang pangalan.



Unfair para kay Sen. Robin Padilla na siya ang bagsakan ng sisi kung bakit maraming artista ang natalo sa nakaraang midterm election. 


Kay Sen. Robin daw ikinukumpara ang kawalan ng kaalaman ng mga tumakbong artista sa iba’t ibang posisyon. Sikat lang daw si Robin, action star, pero walang nagawa bilang senador. 


Sinuwerte lang daw si Sen. Padilla na tumakbong senador noong panahon ni Duterte, kaya siya naging number one senator. At plus factor din na idolo si Robin ng mga botante sa Visayas at Mindanao.


Pero ayon sa veteran campaign analyst na si Alan German, hindi si Sen. Robin Padilla ang main factor sa pagkatalo ng mga artistang senador, lalo na ‘yung kasama sa Alyansa ni PBBM. 


Malaking pagkakamali raw na bago ang election ay isinulong ang planong pagpapa-impeach kay VP Sara Duterte. Sinundan pa ito ng pag-aresto kay Duterte ng ICC. 


Nagmistulang gumanti ang mga DDS kaya iniligwak sa Mindanao at Visayas ang mga kandidato ng Alyansa. 


Sad to say, tinamaan nang husto rito si Sen. Bong Revilla, Jr., na isa pa namang masipag at dedicated na senador. 


Sabi nga ng mga political analyst, iba na ang mindset ngayon ng mga botante, hindi na sila nakukuha lang sa popularidad ng isang kandidato. Dapat ay may puso at malasakit sa mga mahihirap.



BAGAMA’T wala pa silang kumpirmasyon sa status ng kanilang relasyon ngayon, kalat na sa social media na nakaplano na ang pagpapakasal nina Bea Alonzo at Vincent Co ng Puregold sa October, 2025. 


May tsika pang naimbitahan na ng pamilyang Co sa kanilang tahanan ang partidos ni Bea. 


Ayon pa sa ilang malalapit kay Bea, magiging limitado lang ang entourage at bisita sakaling matuloy na ang kasalang Bea at Vincent Co.


Well, may tsikang matagal na raw type ni Vincent si Bea at dati na siyang nanliligaw sa aktres. Ang kasosyo raw sa negosyo ng aktres sa kanyang luggage business ang naging daan upang sila ay magkakilala. At hindi tumigil si Vincent sa panliligaw kahit noong naging karelasyon na ni Bea si Dominic Roque. 


Sobrang pursigido si Vincent sa kanyang panunuyo sa aktres. Kahit nasa Spain ito para asikasuhin ang kanyang luggage business, pinadadalhan niya ito ng mga paboritong pagkain. Ganoon kabongga si Vincent Co.


Tiyak na mai-intimidate ang sinumang nagnanais manligaw kay Bea Alonzo ngayon. Ibang-iba na ang financial status niya ngayon at kahilera na siya nina Gretchen Barretto at Sharon Cuneta sa dami ng naipundar na properties. 


Hindi na rin siguro kailangan ang prenuptial agreement kapag sila ay nagpakasal na.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page