Kaya proud na proud sa utol, Maine… IBINUKING NI RIA: ARJO, LOSER NOON, BEST ACTOR NA NGAYON
- BULGAR

- Dec 7, 2020
- 3 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | December 7, 2020

Sanggang-dikit ang magkapatid na Arjo at Ria Atayde dahil dalawang taon lang ang pagitan ng kanilang edad at sampung taon bago dumating si Gela Atayde na sinundan ng bunsong anak ni Sylvia Sanchez na si Xavi.
Lahat ng nangyayari sa buhay nina Arjo at Ria ay alam ng bawat isa. Protektado at sinusuportahan nila ang isa’t isa anuman ang ginagawa nila sa buhay.
Nu’ng idinaos ang Asian Academy Creative Awards nu’ng Biyernes ng umaga ay kabado na si Ria, kasama ang nanay niyang si Sylvia, at siyempre, si Arjo mismo, dahil mga kilala at mahuhusay na aktor sa mga bansang Thailand, Myanmar, India, Taiwan, Malaysia, Indonesia, Hongkong, China at Singapore ang katunggali niya.
Sabi naman ng tatay niyang si Art Atayde, “Sabi ko kay Arjo, win or lose, just this nomination, panalo ka na d’yan.”
Boom! Si Arjo nga ang nag-Best Actor in a Leading Role sa iWant original series na Bagman sa katatapos na Asian Academy Creative Awards kaya hiyawan, sigawan at bumaha ng pagbati sa social media accounts ng aktor na kahit siya ay hindi makapaniwala, kaya naman emosyonal siya nu’ng magpasalamat sa pagkakahirang sa kanya.
At ang biggest fan, supporter at sister ni Arjo na si Ria ay isang araw muna ang pinalipas bago niya nasabi ang gustong iparating sa kuya niya dahil wala raw siyang ginawa kundi umiyak nang umiyak sa kasiyahan kasama ang kapatid nilang si Gela.
Ipinost ni Ria ang video clip ng AAA nang tawagin ang pangalan ni Arjo sa pagka-Best Actor.
At ang caption niya, “Finally composed myself to write a better congratulatory message. Ha haha wow?! Ako nanalo?! Hahaha legit though, @ataydegela and I kept crying hahahahaha. So here I go:
“When we were in high school, I remember how heartbroken you were when you found out that you could no longer be part of the dance team that would represent the country to compete internationally. (cc: @vimirivera I’m sure you remember this)
“I also remember how growing up, you would insist that you wanted to act but they wouldn’t let you because of course, school was our priority. Fast forward years later, they finally let you act and you proved to all of us why you should have been acting all along.
“You’re amazing at what you do — passionate, humble and constantly looking to grow. What a full circle moment... you got to represent the country. It may not have been through dance but oh my goodness, Carlos, you brought the country pride through acting. I’m sure little Arjo is beaming with pride because I sure am so proud of you and so happy for you.
“You have proven yet again, that THIS is where you belong and this is what you were meant to do. So please erase all the doubt that you’ve had the past few months whether or not you should continue doing this, because hello noh... it’s meant to be.
“Congratulations, Best Actor for the 2020 Asian Academy Creative Awards @arjoatayde! I can’t wait to see you achieve more and I can’t wait to be there to witness all of it.
“(Swipe to see his acceptance speech. Goodness my heart 🥺 also please watch Bagman to see how well-deserved this is! It’s on @iwanttfc.”
Matatandaang nang magsimula ang Covid-19 pandemic at maraming nawalan ng trabaho sa pagsasara ng ABS-CBN dahil hindi nabigyan ng bagong prangkisa ng Kongreso ay nabanggit noon ni Arjo na gusto na niyang mag-iba ng linya dahil baka nga hindi para sa kanya ang showbiz.
Pero nang ihayag na siya ang nag-iisang Filipino actor na magiging representante ng Pilipinas para sa Asian Academy Creative Awards ay nabuhayan siya ng loob kaya’t sabi niya ay susubukan niya ulit.
Kaya nabanggit ni Ria na, “This is where you belong.”





Comments