Kaya nagtatago — Robin... Bato, ayaw ma-kidnap
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni BRT @News | May 19, 2026

Photo: Ronald Bato Dela Rosa at Robin Padilla - FB
Kinumpirma ni Senator Robinhood Padilla na naririto lang sa bansa ang nagtatago na namang si Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Sa panayam kay Padilla sa plenaryo, iginiit niya na hindi gagawin ni Dela Rosa ang pagtakas sa bansa dahil mahal niya ang Pilipinas.
Nang matanong kung bakit nagtatago ang senador kung wala namang warrant, sagot ni Padilla, nagtatago si Sen. Bato mula sa mga umano’y kidnapper.
Samantala, iginiit naman ni PDP National Spokesman Atty. Raul Lambino na ang International Criminal Court (ICC), at hindi si Sen. Bato ang umano’y nagdulot ng kaguluhan sa Senado at sa bansa.
Sa panayam ng Bulgar kay Lambino, sinabi niyang bagama’t kinikilala ng Saligang Batas ang generally accepted principles of international law sa ilalim ng Article III, Section 2, kinakailangan pa rin umanong umayon ang mga ito sa Konstitusyon ng Pilipinas.
Binigyang-diin din niya na walang sinuman ang maaaring arestuhin nang walang warrant of arrest na inilabas ng isang Filipino judge.
Ayon pa kay Lambino, noong nagkaroon umano ng tensyon sa Senado noong Mayo 11, wala umanong naipakitang warrant of arrest o kumpirmasyon mula sa Department of Justice (DOJ).
Aniya, maging ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ay wala ring kopya ng naturang warrant.
Dagdag pa niya, nitong Huwebes lamang nagsalita ang DOJ kaugnay sa usapin.
Samantala, nang tanungin si Lambino kung bakit halos anim na buwan umanong hindi dumalo si Sen. dela Rosa sa Senado, dahil raw ito sa pangambang maaresto gamit ang umano’y warrant mula sa ICC.





Comments