top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kaya lumipat sa TV5… HIRIT NG NETIZENS: PIOLO, DDS KAYA NILAYASAN ANG ABS-CBN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 21, 2021
3 min read

Julie Bonifacio - @Winner | January 21, 2021





Nag-top trending sa Twitter ang kilalang direktor at dating head ng ABS-CBN's Star Magic na si Johnny Manahan, mas kilala sa showbiz bilang si Mr. M, kahapon.


Nagkuwento na kasi si Mr. M kung paano ba siya umalis sa ABS-CBN as head ng Star Magic para bumalik ulit sa pagiging direktor sa TV5 via Sunday Noontime Live (SNL).


"Too late the hero" ang sabi ng ibang netizens. Ang tagal daw naghintay ng paliwanag from him sa pag-alis niya sa Kapamilya Network, pero nanatili siyang tahimik. At ngayong natigbak na ang musical variety show sa Singko na SNL, saka siya nagsalita.


Say naman ng isang showbiz kibitzer na kausap namin, "Eh, 'di ba nga kasi, hindi 'yan naniniwala sa entertainment press? Kaya 'di talaga 'yan nagpapainterbyu. Pero hayan, dami niyang tsika, ha?"


Iba-iba naman ang naging reaksiyon ng mga netizens na nabasa namin na comments sa Twitter. Narito ang ilan sa kanila…


"Pero ang tagal na pala niyang napansin, ngayon lang siya umalis at tinapatan pa ang ASAP, tapos hindi raw dahil sa pag-shutdown ng ABS ang reason niya?! Tapos nu'n, nawala na siya sa TV5, saka naman siya nagsalita. Hmmm…"


"Mr. M's side is one story which is valid, but that doesn't conclude everything. Nagbabago talaga kahit anong sistema. And usually, that is the hardest thing to accept."


"Not surprised, it's the natural work culture in the network & the consequences of being too big & heavy weight."


May netizens naman ang sobrang nalungkot para kina Piolo Pascual at Maja Salvador sa pagkawala ng SNL.


"Nakakaiyak. Now I really admire what they say loyalty. This is true loyalty means. We love you, Piolo and of course her MAJAsty Maja Salvador. God bless you more. Thank you, Mr. M. NOW WE KNOW WHY… "


Well, at least, naipakita ni Piolo ang kanyang pagtanaw ng utang na loob kay Mr. M na sumama sa kanyang umalis sa ABS-CBN.


Saka, feeling din siguro ni Piolo, it's about time to leave ABS-CBN. Kasi nga, nu'ng kasagsagan ng hearing sa Kongreso ng franchise renewal ng network ay marami ang kumukuwestiyon sa kanyang loyalty.


Kasi nga, may tatak si Piolo ng pagiging supporter ni Pres. Rodrigo Duterte. In fact, may mga nabasa rin kami sa social media that time na nagsabing dapat umalis na si Piolo sa ABS-CBN especially sa Kapamilya musical variety show na ASAP Natin 'To.


May nagsabi pa ng ganito kay Piolo sa isang post regarding ASAP Natin 'To, "Ano'ng ginagawa ng DDS d'yan?"


For sure, na-hurt si Piolo para sabihan siya ng ganu'n lalo na't kung iisipin ay isa siya sa mga original hosts ng ASAP.


Kaya nu'ng nagkaroon ng way for him na para tigilan na ang pamba-bash sa kanya sa pananatili sa ASAP, ginrab na ni Piolo ang alok na lumipat sa ibang network with Mr. M.

At ngayong wala na ang show ni Papa P sa Singko, he got nothing to lose.


More than okay na okay naman na si Papa P. financially. At kering-keri na niyang mag-produce ng pelikula niya at ng iba pang mga artista.


Wala rin naman siyang pamilya na kailangan niyang buhayin. At kung meron man, naipagtabi na niya ang mga ito.


Plus, ang unico hijo naman niya na si Iñigo Pascual ay nakapag-establish na rin ng name sa showbiz.


And let's admit, Piolo Pascual is Piolo Pascual. Take it or leave it, 'di ba, Ateng Janiz? (Naman! Sorry, biased ako pagdating kay Papa P, nyahaha! Joke! — JDN)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page