ni Julie Bonifacio @Winner | August 13, 2024
Taliwas sa mga tsika na natanggap at napatawad na ng mga magulang ni Popstar Royalty Sarah Geronimo ang mister niyang si Matteo Guidicelli, ‘di pala ‘yun true.
Mula sa malapit na kaibigan ni Mr. Delfin Geronimo ay nalaman namin na may kipkip pa ring sama ng loob ang ama ni Sarah sa isinikretong pagpapakasal ng kanyang anak, at hindi rin daw nito gusto ang ugali ni Matteo. Hindi raw kasi maganda ang inasal ng aktor noon pa mang girlfriend pa lang niya si Sarah.
Kapag nasa bahay daw nila si Matteo ay walang pakundangan ang paghuhubad nito ng suot na pang-itaas sa harapan nila na mga magulang ni Sarah. Doon pa lang daw ay nakitaan na nila si Matteo ng kawalan ng respeto sa kanila.
Nakapagbitiw pa raw ng salita ang ama ni Sarah na kung ‘di sikat ang anak nila, hindi ito liligawan o papansinin man lang ni Matteo.
At ang pinakamatindi pa raw para sa kanila bilang magulang ay ‘yung itinago sa kanila ang kasal. Siyempre, gusto ng mga magulang na present sila sa kasal ng kanilang anak, lalo na’t gaya ni Sarah na babae. Much more, nais siyempre ni Mang Delfin na pormal niyang maihatid sa altar ang kanyang anak.
Saksi ang malapit na kaibigan ni Mang Delfin Geronimo kung gaano kalaki ang hirap niya sa pagpapalaki at pagte-training kay Sarah Geronimo para maging mahusay na singer.
How sad para sa mga magulang na nabalewala ng kanilang anak.
AFTER a four-year hiatus, nagbabalik ang Sinag Maynila Film Festival with seven full-length feature films, seven documentaries, and ten short films created by today’s most exciting Filipino filmmakers.
Naging mas makabuluhan ang pagbabalik ng Sinag Maynila na maituturing na iconic filmfest na itinatag ni Solar Entertainment President Wilson Tieng at kilalang direktor na si Brillante Mendoza dahil minarkahan din ang pagdiriwang ng Buwan ng Turismo ng Maynila at ang Buwan ng Industriya ng Pelikulang Pilipino.
Lahat ng Sinag Maynila 2024 finalist films ay mapapanood sa mga sinehan mula Setyembre 4-8, 2024. Ang Sinag Maynila 2024 ay ang ika-anim na edisyon ng film festival.
In competition para sa full-length feature films ay ang social drama na The Gospel of the Beast by Sheron Dayoc starring Janssen Magpusao and Ronnie Lazaro; the family drama Her Locket by J.E. Tiglao starring producer-lead actress Rebecca Chuaunsu and Elora Españo; the action picture Banjo written, directed and starring Bryan Wong; the OFW-themed romance shot in Canada by Benedict Mique entitled Maple Leaf Dreams starring Kira Balinger and LA Santos; the psychological thriller What You Did by Joan Lopez Flores starring Tony Labrusca, Mary Joy Apostol, Epy Quizon, Mercedes Cabral and Ana Abad Santos; the drama Salome by Gutierrez Mangansakan II with Perry Dizon, Tommy Alejandrino, and Dolly de Leon in the cast; and the thriller Talahib (Legend of the Tall Grass) by Alvin Yapan starring Joem Bascon, Gillian Vicencio and Kristoff Garcia.
For the documentary section included are Ghosts of Kalantiaw by Chuck Escasa, Ino by Ranniel Semana, Natatanging Palayok (The Exceptional Pot) by Ein Gil Randall S. Camuñas; Pag-Ibig Ang Mananaig (Love Will Prevail) by Jenina Denise A. Domingo; Panatag (Tranquil) by Allan Lazaro; Untitled/ Unfinished by Matthew Victor Pastor; and Way of the Balisong by Paul Factora.
For the short films, the lineup includes 14 Days by Nars Santos; Ang Maniniyot ni Papa Jisos (Father Jisos’ Photographer) by Franky Arrocena; As the Moth Flies by Gayle Oblea; Bisan Abo Wala Bilin (Even Ashes, Nothing Remains) by Kyd Torato; Kiyaw (Hill Myna) by Jericho Jeriel; ILO by Serafin Emmanuel P. Catangay; Mananguete (The Coconut Sap Collector) by Mery Grace Rama-Mission; Ina Bulan by Melver Ritz L. Gomez; Sa Paglupad Ka Banong (The Flight of Banog) by Elvert Bañares; and Suka and Toyo Can Make Adobo (Vinegar and Soy Sauce Can Make Adobo) by Jude Matanguihan.
Among these films, sampu ang may world premiere — Way of the Balisong, Pag-Ibig ang Mananaig, Maple Leaf Dreams, What You Did, Banjo, Salome, Talahib, Kiyaw, Ina Bulan and Bisan Abo, Wala Bilin; one film, Untitled/Unfinished is an international premiere, and one film Her Locket is a Philippine premiere.
Ang mga finalists ay pinili mula sa daan-daang entries na natanggap mula sa mga Filipino filmmakers mula sa buong mundo.
“Sa oras na isinara namin ang pagsusumite noong Hulyo 24, nakatanggap kami ng napakaraming bilang ng mga entries,” sabi ng co-founder ng Sinag Maynila na si Brillante Mendoza.
Dagdag pa niya, “Ang aming screening committee ay nahirapan sa paggawa ng kanilang mga pagpipilian dahil ang lahat ay may dahilan upang maisama.”
Labis namang nagagalak ang ama ng Sinag Maynila na si Wilson Tieng sa mga nagsilahok sa 2024 Sinag Maynila Filmfest.
Comments