Kaya durog na durog sa mga netizens…

JOEM, AFTER PAASAHIN ANG FIANCE NA INIWAN DIN PARA KAY MERYLL, DEDMA LANG, NEVER NAGSORI
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 22, 2021

Labas si Meryll Soriano sa isyu ng dating magkarelasyong Crisha Uy at Joem Bascon. Hindi siya ang sinisisi kung bakit iniwan ni Joem ang ex-GF. Hindi rin tinatawag na mang-aagaw ng boyfriend si Meryll.
Mas sumentro ang galit ng mga supporters ni Crisha kay Joem dahil sa ginawa nitong paglilihim na nagkabalikan na sila ni Meryll.
Nabunyag at nakumpirma lang ang lahat nang i-post ni Meryll sa social media ang kanilang larawan kasama ang anak nila ni Joem.
Oo nga't hindi naman kasal sina Joem at Crisha at magka-live-in lang for 8 years, at kahit pa sabihing wala rin silang naging anak ni Joem kaya wala siyang karapatang maghabol, ang tanong lang ng mga netizens ay nagawa na ba ni Joem na kausapin nang masinsinan ang ex-GF at mag- sorry sa kanyang ginawa?
Hindi matatahimik ang kanilang pagsasama ni Meryll hangga't may isang babaeng nasaktan at naagrabyado. Hindi naman naghahabol si Crisha Uy upang balikan ni Joem. Marahil, gusto lang niyang marinig ang taos-pusong paghingi ng kapatawaran ng dating nobyong minahal niya nang sobra-sobra!
Unti-unti nang nakaka-move on si Crisha at tanggap na niya na hindi na babalik sa kanya si Joem dahil may anak na ito kay Meryll.
Well, dahil hindi siya tinitigilan ng mga bashers, nagpahinga muna sa social media si Joem Bascon. Umiiwas siya sa mga banat sa kanya ng mga netizens na nakikisimpatya kay Crisha Uy!.





Comments