Kay agang kinokondisyon ng mga survey firms utak ng mga bobotante, buwisit!!!

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | October 26, 2023
PABIDA LANG PALA NI P-BBM, BANTA NIYA SA MGA AGRI SMUGGLERS AT RICE CARTELS -- Ang sinabi ng Samahan ng Industriya ng Agrikultura (SINAG) na may nagbabadyang pagtataas na naman ng presyo ng bigas sa unang linggo ng Nobyembre 2023 ay indikasyon na namamayagpag na naman ang mga agri smugglers at rice cartels sa bansa.
Kung tinutoo lang sana ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ang promise niyang ipapahuli, sasampahan ng kaso at ipapakulong ang mga agri smugglers at rice cartels, hindi sana nangyayari ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas, pero ang problem, ang promise niyang ito, ay pabida lang pala sa publiko, boom!
XXX
NO COMMENT SI P-BBM SA TINANGGAL NA DA P50M CONFIDENTIAL FUND, KASI APRUB NAMAN ANG NAKAKALULANG P4.5B CONFI FUND NG OFFICE OF THE PRESIDENT -- No comment lang si P-BBM nang tanggalin ng House of Representatives ang kanyang P50 million confidential fund sa pinamumunuang Dept. of Agriculture (DA).
Dededmahin lang talaga ni P-BBM ‘yang P50M, kasi aprub naman ng Kamara at maging ng Senado ang kanyang P4.5 billion confidential fund sa Office of the President, he-he-he!
XXX
ISIP NG MGA ‘BOBOTANTE’, MAAGANG KINOKONDISYON NG MGA SURVEY FIRMS -- \Sunud-sunod na naglalabas na naman ang mga survey firms ng “mind conditioning” patungkol sa rating ng mga posibleng manalo sa pagkasenador sa 2025 elections.
Sa totoo lang, may katagalan pa ang 2025 elections kasi October 2023 lang ngayon at next year ay 2024 pa lang, at ang local at national elections ay sa May 2025.
Ang nais nating ipunto rito ay ang aga naman ng ginagawang pagkondisyon ng mga survey firms sa isip ng mga “bobotante”, boom!
XXX
DAMI NG TAGA-PASIG ANG NARARAKET NG STL-CON JUETENG, PERO SI MAYOR VICO SOTTO, DEDMA LANG -- Hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin ang STL (Small-Town Lottery)-con jueteng nina alyas "Kits" at "Egay" sa Pasig City.
Maraming taga-Pasig ang nararaket ng mga ilegalistang ito, pero kataka-taka, tila walang aksyon si Mayor Vico Sotto para ipatigil ang ganitong uri ng raket sa Pasig City, period!





Comments