Kathryn, todo-flex kay Dominic
- BULGAR
- Jul 22, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @Showbiz News | July 22, 2024

Proud na binati ng aktres na si Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram story ang malapit na kaibigang si Dominic Roque na nagse-celebrate ng kaarawan.
Ibinahagi nito ang ilang larawan ng aktor at isang clip kasama ito na talagang kinakiligan ng maraming Marites sa social media. "BIRTHDAY BOI [cake emoji]," caption ng aktres sa isang larawan.
"FWESH NI BDAY BOY.. [rock emoji] FACT: I JUST FOUND OUT LAST MONTH THAT HE HAS A DIMPLE," saad niya sa hiwalay na picture ng aktor.
Maraming netizens naman ang natuwa sa closeness ni Kathryn kay Dominic. Hirit nga ng ilan, isini-ship daw nila ang dalawa dahil talaga namang bagay ang mga ito.
Comments