Kathryn Bernardo, nagwala sa concert ni Taylor Swift
- BULGAR
- Feb 18, 2024
- 1 min read
ni Rensel Sabando @Entertainment | February 18, 2024

First time ni Kathryn Bernardo na mag- travel nang solo papuntang concert ni Taylor Swift nitong nakaraang linggo lang.
Ibinahagi ng ilang nakasama ni Kathryn ang kanyang pagsabay sa mga kanta ni Taylor Swift katulad ng Bad Blood.
Sa isang video na makikita sa X na dating Twitter ay grabe ang pagkanta ng aktres sa We Are Never Getting Back Together na halata mong nagmu-move on sa dating partner at ngayon ay ex-boyfriend na si Daniel Padilla.
Mapapansin din sa video na nag-e-enjoy talaga ang actress sa mga line-up of songs nu'ng Eras Tour na naganap sa Melbourne, Australia.
Comentarios