top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Kate Valdez, umaming si Angel Guardian ang type makahalikan

Writer:  BULGAR
BULGAR
Apr 13, 2024
1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | April 13, 2024




Inihayag na ni Kate Valdez kung sino ang gusto niyang maging kauna-unahang kahalikan onscreen.


Sa isang video na ipinost sa TikTok ng Adventure Taste Moments, tinanong si Kate kung sino ang gusto niyang maging first-ever onscreen kiss.


“Si Angel [Guardian],”sagot niya na nagpatili sa ibang aktres ng Sparkle 10.


Agad namang sumakay sa trip si Angel at nagkunwaring magbibigay ng agresibong halik kay Kate.


“Akala n'yo lalaki gusto ko, ha?” biro ni Kate.


“'Di, joke lang, joke lang,” dagdag niya.


Sina Kate at Angel ay bahagi ng Sparkle 10, isang grupo ng 10 female stars mula sa GMA Network.


Kilala si Kate sa kanyang mga papel bilang si Mira sa Encantadia, at si Natalie/Rosemarie sa Onanay.


Kasalukuyan namang lumalago ang karera ni Angel dahil inaabangan ang kanyang karakter bilang isa sa mga bida sa “Encantadia” spinoff series na “Sang'gre.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page