Kasong P32-M graft kay ‘Bistek’, politically motivated daw, weh?!
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | May 20, 2023
DAPAT NAG-RESIGN DIN SI SARA SA DEPED—Nag-resign na si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio sa partido niyang Lakas-CMD. Para mas natuwa ang mamamayan, sana ay sinabayan na niya ito ng pagre-resign bilang Department of Education (DepEd) Secretary.
Sa totoo lang, umpisa pa lang ay hindi na natuwa ang mamamayan sa pagtalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (P-BBM) kay VP Sara bilang head ng DepEd dahil imbes na ihayag nito kung ano ang mga gagawin niyang reporma sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas, ang inuna pa ay ang paghingi ng P150 million confidential fund para sa kanyang tanggapan sa DepEd, tsk!
◘◘◘
LETTER OF RESIGNATION NI SARA SA LAKAS-CMD, PARANG PANG-PRESIDENTIABLE NA!—Ang ilan sa laman ng liham ni Sara sa pagbibitiw niya sa Lakas-CMD ay ayaw daw niyang maging bahagi ng political toxicity at makilahok sa political power play dahil ang gusto raw niyang pagtuunan ng pansin ang paglilingkod sa mamamayan at bayan.
Napakatagal pa ng 2028 presidential election, pero kung pakasusuriin ang nakasaad sa letter of resignation niya sa Lakas-CMD, masasabing pang-presidentiable na, boom!
◘◘◘
‘LEAH CRUZ’, NAPAKA-UNTOUCHABLE, ‘DI MAPAKULONG NG GOBYERNO—
Ibinulgar ni Marikina City Rep. Stella Quimbo na pangalan na naman ni agri-smuggling queen ‘Leah Cruz’ ang lumulutang sa likod ng hoarding ng mga sibuyas, kaya nagmamahal na naman ang presyo nito sa merkado.
Talagang napaka-untouchable ni ‘Leah Cruz,’ mantakin n'yo, ilang beses na itong inimbestigahan ng mga senador at kongresista, at inirekomendang sampahan ng kasong kriminal, pero hanggang ngayon ay nasa laya pa kaya hindi natitigil ang raket nitong agri-smuggling at hoarding, buset!
◘◘◘
PALUSOT NI ‘BISTEK’ SA KANYANG P32-M GRAFT CASE, POLITICALLY MOTIVATED LANG DAW—Sabi ni former Quezon City Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista, politically motivated lang ang isinampang P32-M graft case laban sa kanya.
Ganyan naman lagi ang palusot ng mga traditional politicians o trapo, kapag nasasampahan ng kasong katiwalian, politically motivated lang daw ang kasong isinampa laban sa kanila, boom!





Comments