top of page
Search
  • BULGAR

Kasong isinampa ng lalaking ‘naked baby’ sa album cover ng Nirvana, ibinasura

ni Jasmin Joy Evangelista | January 7, 2022



Ibinasura ng federal judge sa Los Angeles, California ang isinampang kaso ng lalaking na-sexually exploit umano ng rock group na Nirvana matapos gamitin ang larawan nitong nakahubad noong bata ito bilang cover ng 1991 album nito na “Nevermind”.


Dinismiss ni U.S. District Judge Fernando Olguin ang kaso matapos ma-miss ni Spencer Elden ang deadline upang sagutin ang motion to dismiss the case ng kampo ng Nirvana.

Matapos ito ay binigyan ni Olguin si Elden ng hanggang Enero 13 para maghain ng amended complaints.


Matatandaang noong Agosto ay nagsampa ng reklamo ang ngayo’y 30-anyos na si Spencer Elden matapos umano nitong makaranas ng ‘lifelong damages’ dahil sa album cover, kung saan makikita siyang nagsu-swimming nang nakahubad papunta sa isang dollar bill na nakatusok sa hook ng isda.


Humihingi si Elden ng $150,000 na danyos o tinatayang P7.5M bawat tao na sangkot sa pagbuo ng album kabilang ang Universal Music Group, Nirvana drummer at Foo Fighters frontman na si Dave Grohl, Nirvana bassist Krist Novoselic, at Courtney Love, ang misis ng Nirvana lead singer na si Kurt Cobain na namatay noong 1994.


Ang album na "Nevermind" ay isa sa mga naging best-selling albums mula noon, na may sales na 30 million worldwide. Kabilang dito ang signature song ng Nirvana na "Smells Like Teen Spirit."

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page