Kaso ng pang-aabuso sa kabataan, dumarami
ni Ryan Sison @Boses | Pebrero 5, 2023
Halos umabot sa 9,000 reports ng pang-aabuso sa mga kabataan ang nairekord noong nakaraang taon.
Ito ang naging pahayag ni Council for the Welfare of Children (CWC) Executive Director Undersecretary Angelo Tapales, nasa kabuuang 8,948 child abuse cases ang naitala noong 2022.
Batay aniya ang mga datos na kanilang nakuha sa Women and Children Protection units mula sa mga ospital sa buong bansa at sa inilunsad noong Oktubre ng kagawaran na Makabata Helpline (mahalin at kalingain ating mga bata).
Nagseserbisyo ang nasabing helpline sa mga kabataan na nakaranas ng sexual abuse, bullying at mental health problem. Nagbibigay din sila ng mga referral para sa mga biktima na nangangailangan ng partikular na serbisyo.
Sinabi rin ni Tapales na nakatanggap ang kagawaran ng 43 reports ng child abuse na karamihan sa mga biktima ay nasa edad 15 hanggang 17. Nangyayari rin aniya ang mga insidente ng pang-aabuso sa mga bata sa mga lugar gaya ng tirahan, mga paaralan, at sa komunidad.
Napakaseryoso ng usaping patuloy at dumarami ang mga kasong naitatala ng pang-aabuso sa mga kabataan.
Sa kanilang murang edad at kawalan pa ng kamalayan ay nakararanas na ng pagmamaltrato, pagmamalupit at karahasan mula sa ibang tao, mga kalaro at maging sa kanilang mga kamag-anak at mga magulang.
Sa halip na lumalaki silang may maayos na tirahan at pamumuhay, magandang edukasyon, at mabuting kalusugan, nang dahil sa nangyaring pang-aabuso, nasisira at napapariwara ang kanilang buhay.
Panawagan natin sa gobyerno, huwag nating ipagsawalang-bahala at dapat na tutukan ang mga suliranin ito sa mga kabataan. May responsibilidad tayo na kailangang gawin para sa kanilang ikabubuti.
At sa ating mga magulang, obligasyon nating mahalin at alagaan sila upang sa kanilang pagtanda, lalaki silang maayos at mabuting mamamayan.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.co





Comments