ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 1, 2024
Bumaba na sa 5,267 ang bilang ng kaso ng dengue sa buong bansa, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Biyernes.
Batay sa datos hanggang Pebrero 23, sinabi ng DOH na naitala nila ang 5,267 kaso ng dengue mula Enero 28 hanggang Pebrero 10, na mas mababa kaysa sa 7,434 na kaso na naitala mula Enero 14 hanggang Enero 27.
Samantala, nagpakita ng pagtaas ang mga kaso sa Rehiyon X at Caraga mula Enero 14 hanggang Enero 27, na may 1,384 na kaso kumpara sa 715 kaso na naitala mula Enero 1 hanggang Enero 13.
Ayon sa ahensya, mayroon ding 67 na mga namatay mula Enero 1 hanggang Pebrero 10, na nagresulta sa fatality rate na 0.32%.
“The DOH encourages all to strengthen implementation of the 5S strategy against dengue: Search and destroy mosquito breeding sites, use Self-protection measures, Seek early consultation, Say yes to fogging where needed, and Start and sustain hydration,” sabi ng ahensya sa isang pahayag.
Itinuturing ang dengue na isang viral infection na dulot ng dengue virus na maaaring maipasa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng mga insektong lamok na nahawaan, ayon sa World Health Organization (WHO).
Comments