top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kaso ng COVID-19 sa buong mundo, pumalo na sa mahigit 28M

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 14, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | September 14, 2020



Umabot na sa 28.87 milyon ang naitalang kaso ng COVID-19 sa buong mundo nitong Linggo at may kabuuang 920,475 ang namatay dahil dito.


Ang mga kasong naitala simula pa noong December 2019 ay mula sa 210 bansa kabilang ang China kung saan unang nakapagtala ng virus.


Nangunguna pa rin sa pinakamaraming kaso ng COVID-19 ang US sa 6,501,313 at 193,755 na rito ang pumanaw.


Sinundan naman ito ng India sa 4,754,356 na may 78,586 na pumanaw; Brazil sa 4,315,687 na may 131,210 na pumanaw; Russia sa 1,057,362 na may 18,484 na pumanaw at Peru sa 722,832 na may 30,593 na pumanaw.


Ang Pilipinas ay ika-21 sa listahan na may 261,216 kaso at 4,371 na namatay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page