top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kasambahay na susuwertehin sa abroad kahit hayskul gradweyt

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 31, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | October 31, 2021





KATANUNGAN

1. Seventeen years old pa lang ako, namasukan na ako bilang katulong at hanggang ngayong mag-25-anyos na ako ay katulong pa rin. Kumbaga, sawang-sawa na ako sa pagiging katulong at halos naranasan ko na ang lahat ng gawaing bahay. Sa ngayon, balak ko namang mag-apply sa mga department store o sa factory bilang sales lady o factory worker.


2. Kung aalis ako sa kasalukuyan kong amo at mag-a-apply ako para magkaroon ng ibang trabaho at lumaki naman ang aking suweldo at hindi na masabing katulong ang trabaho ko, susuwertehin ba ako kasi nakatapos naman ako ng high school? At kung matatanggap ako, ito na ba ang simula ng pagbabago ng aking kapalaran at makakatikim na rin ng pag-asenso?

KASAGUTAN

1. Para mas maganda, subukan mong mag-apply sa abroad. Ito ang nais sabihin ng mahaba at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kung sadyang gusto mong baguhin talaga ang takbo ng buhay mo, ganundin ang tinatahak mong tadhana, mas makabubuti sa iyong kapalaran na imbes na sa local o sa ating bansa lang, mas maigi pang sa ibayong-dagat ka makipagsapalaran.


2. Ang pag-aanalisang kung magtatangka kang mag-apply sa ibang bansa ay siguradong matutuloy ka ay madali namang kinumpirma ng iyong lagda na malalaki ang letra at paalon-alon na parang lumilipad.



3. Ito ay tanda na ngayon pa lang, hindi mo lang alam, nasasagap na ng unconscious self o hindi mo namamalayang isipan ang maganda at positibong mangyayari sa iyo sa abroad kung lalakasan mo lang ang loob mong mag-apply ngayon o sa susunod na taong 2022.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Jessa Mae, ‘wag ka nang magtangkang mag-apply sa local company dahil wala ring mangyayari sa iyong buhay dito sa ating bansa. Ang nais ipagawa ng iyong kapalaran ay sa ibang bansa ka mag-apply at makikita mo na sa susunod na taong 2022, sa edad mong 26 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong karanasan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page