Kasama ni Anjo… BOOBSIE, PALIT KINA KITKAT AT JANNO SA SHOW NG NET25
- BULGAR

- Feb 28, 2021
- 2 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 28, 2021

Nakaligtas si Anjo Yllana bilang 'eyewitness' sa naganap na bangayang Janno Gibbs at Kitkat Favia, pawang co-hosts niya sa Net25 noontime program na Happy Time, nu'ng nakaraang linggo.
Nagkataon kasing absent si Anjo noong magtarayan sina Janno at Kitkat na nauwi sa murahan na kalauna'y pinagpiyestahan na rin sa social media.
Lalong ikinagulat ni Anjo ang nangyari na humantong pa sa pagkakatsugi ng kanyang mga co-hosts.
Kumbaga'y playing safe at tikom na lang ang bibig ni Anjo sa tuwing natatanong sa isyung nagkapersonalan ang mga kasamahang sina Janno at Kitkat sa Happy Time.
Tama naman si Anjo na huwag na lang makisawsaw dahil absent siya noong nangyari ang gulo sa mismong taping ng Happy Time last February 18, at hanggang sa mga araw na 'to, never pa raw niyang nakakausap ang dalawa.
Sa panayam ng Pep.phkay Anjo, matipid niyang sagot, “Hinihintay ko na lang na ready na silang pag-usapan."
Parehong naglabas ng official statement sina Janno at Kitkat. Bagama't tinanggal na ang dalawa sa noontime show, hindi pa raw kinakausap ng management si Anjo kung ano ang kasunod na plano, kung papalitan ba ang dalawa o si Boobsie ang magiging frontliner ng show.
"Hindi pa nila ako kinakausap. Ang alam ko lang, kinausap nila (management) sina Janno at Kitkat. Wala naman ako ru'n," paliwanag ni Anjo.
"Hindi naman ako ipinatawag. Wala naman silang sinasabi sa akin,” dagdag pa ng host-comedian.
Bilang magbespren, lagi raw nitong tine-text si Janno after the incident.
“Tine-text ko siya. ‘Kumusta ka na, ‘tol?' Okay naman daw siya.
“Tinawagan ko rin siya once, hindi siya sumagot. Siguro, medyo mainit pa… hindi pa siya ready na pag-usapan namin,” ani Anjo.
Nag-report si Anjo sa live airing at teyping ng Happy Time noong February 24 (Wednesday), pero wala sina Kitkat at Janno at doon na rin niya nalaman na pinaalis na ng management ang dalawa.
Noong tanungin siya kung mapupunuan ni Boobsie ang pagkawala ng dalawa, “Okay naman sina Boobsie, eh. Masaya naman. Pero siyempre, nalulungkot lang ako kasi kami 'yung original, eh. Kami 'yung magkasama nu'ng nag-start," sey ni Anjo.





Comments