Kasama ang tropa, nag-inuman sa unit... 20-anyos na estudyante, nahulog sa condo, dedo
- BULGAR

- 7 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | August 17, 2026

Photo: Circulated
Patay ang isang 20-anyos na estudyante matapos mahulog mula sa balkonahe ng tinutuluyang condominium sa Silk Residences Condominium, Brgy. 586, Zone 57, Sampaloc, Maynila.
Kinilala ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima na si "Alexandra,” 20, estudyante at umuupa sa nasabing condo.
Ayon sa roommate ng biktima na si "Shane,” huli niyang nakitang buhay si "Alexandra" na natutulog alas-5 ng madaling-araw noong Agosto 14. Alas-6:56 ng umaga, nakita umano ang biktima sa balkonahe ng kanilang unit, ngunit hindi naglaon ay bigla itong nahulog.
Bago ang insidente, nakita umano ang biktima kasama ang ilang kaibigan na nag-iinuman sa loob ng kanilang unit.
Patuloy na iniimbestigahan ang insidente upang matukoy ang tunay na dahilan ng pagkahulog at kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.





Comments