top of page
LET’S SEE - MIKA AT WILL, BUKING NA LUMIPAD PA-HK_Reddit.png

Kasalan, pahiwatig ng nakasakay sa kabayo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 19, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 19, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni James ng Pasig City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagmamaneho ako ng mamahalin at magandang kotse, at madalas din akong managinip na nakasakay ako sa kabayo at pinatakbo ko ito nang mabilis. Tapos may nakasalubong kaming kalapati na lumilipad, kaya lalo itong bumilis.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

James


Sa iyo, James,


Ang panaginip mo na nagmamaneho ka ng mamahalin at magandang kotse ay kasaganaan sa buhay at magtatagumpay ka sa negosyo. Ang nakasakay ka sa kabayo at pinatakbo mo ito nang mabilis ay senyales na malapit ka nang ikasal sa iyong napupusuan.


Samantala, ang may nakasalubong kang kalapating lumilipad kaya lalong bumilis ang takbo ng kabayo ay nangangahulugan na malaking kayamanan at dambuhalang suwerte ang paparating sa iyo at magiging mapalad ka sa susunod na mga araw.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page