top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kasal na lang ang kulang… PAGTATAYUAN NG BAHAY NINA KATHRYN AT DANIEL, READY NA

BULGAR
Mar 16, 2021
2 min read

Julie Bonifacio - @Winner | March 16, 2021




Ipinasilip ng ina ni Kathryn Bernardo sa social media ang nabili nilang lupa na tatayuan ng 'future house' ng kanyang anak at ng boyfriend nitong si Daniel Padilla.


Ipinost sa Twitter account ng ina ni Kathryn na si Min Bernardo ang video ng pagbisita nilang mag-ina with Daniel at ng ahente ng lupa na si Ton Lao sa nasabing bakanteng lote.


"Ang pagbisita sa future (house icon)," caption ni Mommy Min.


Sa umpisa ng short video ay maririnig ang boses ni Mommy Min habang kinukunan ang palibot ng lupa na binili nila.


"Dahil d'yan kay Ton Lao, nakabili kami ng lupa dito sa kakulitan niya," pagri-reveal ni Mommy Min.


Pinangalawahan naman ni Kathryn ang sinabi ng ina.


"Bili na. Bili na, mga suki," natatawang sabi ni Kathryn sabay buhat sa kanya ni Daniel.


Agad na nag-trending sa social media ang ipinost sa Twitter ng ina ni Kathryn. At sa comment section ay umapaw agad ang kilig at saya ng KathNiel fans.


"Salamat sa pasilip, Tita. Sobrang na-miss ko talaga silang dalawa! Hahaha! Naiyak talaga sa tuwa."


"Ganda naman niyan. Parang Hollywood Hills na empty pa."


Dahil sa ipinakitang lupa na pagtatayuan ng 'future house' nina Kathryn at Daniel, sigaw ng mga fans ng reel-and-real partners, kasal na ang kasunod na paghahandaan nila.


"Wala, uwian na. May lupa na ang KN. Kasal na lang talaga ang kulang, huhuhu!"

"Kasal na lang ang kulang."


Sa true lang, kering-keri na nina Kathryn at Daniel ang magpakasal anytime soon kung ang pagbabasehan ay usaping pinansiyal, mental at emosyonal.


May netizen naman ang pumuna sa galawan nina Ķathryn at Daniel sa video.


"Ang sweet at very mag-asawa na talaga 'yung galawan n'yo love birds. Jusko huwag n'yo nang paabutin pa nang 4 to 5 years bago magpakasal. Sana ikasal na kayo at the age of 26 at 27. May God protect and bless your relationship, also to guide you."


May netizen din ang pumuna kay Mommy Min sa pagbili ulit ng property.


"Grabe ka, Tita Min, after mo mag-add to cart sa Palawan, another property na naman. May more and more blessings for you all po, hehe."


May netizen ding tinawag na hoarder ng lupain ang ina ni Kathryn.


Bukod sa mga nabanggit, 'di ba nga't napakalaki rin ng lupa na nabili nila sa itinatayong dream house ni Kathryn for her family?


Malay natin, may iba pang mga lupa at properties ang kabibili lang din nina Mommy Min and Kathryn na 'di lang nila ipino-post sa social media.


And in fairness, maganda ang mga ganyang titulo, ha? Aprub na aprub sa amin ang title na 'land-hoarder' kesa naman 'land-grabber.'





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page