Kasabay ng Halloween… JENNYLYN AT DENNIS, NAGHAMPASAN NANG MAG-AWAY

ni Nitz Miralles - @Bida | November 3, 2020

Nagdidirek na rin pala si Dennis Trillo dahil siya ang nagdirek ng video na Halloween treat nila ni Jennylyn Mercado sa kanilang mga fans. Ginaya ng dalawa sina Joe Exotic and Carole Baskin. Ang kaibahan lang, sa version nina Dennis at Jennylyn, si Dennis ang babae at si Jennylyn ang lalaki.
Ang ganda ng video na nagsimula nang pumasok sila sa Litterbucks Cafe business nila at nakipaglaro sa fur babies nilang iba’t ibang klase ng pusa.
‘Kaaliw din ang pillow fight nila dahil talagang malakas na hampas kay Dennis ang ginawa ni Jennylyn. Pinansin din ang suot na sandals ni Dennis at ang kilos na aakalain mong tunay na babae.
Aliw na aliw ang mga showbiz friends nina Dennis at Jennylyn sa video at comment nga ni Dingdong Dantes, ang astig ng video na directed and shot by Dennis. Ayan, may mga naghihintay na tuloy ng next video na ididirek ni Dennis.
Speaking of Jennylyn, sa Thursday (November 5) na mapapanood ang fresh episodes ng Descendants of the Sun at hanggang sa ending, fresh episodes na ang mapapanood. Malalaman na ng mga viewers kung paano ang mga ginawa ni Director Dominic Zapata sa mga eksenang kailangang may yakapan at kissing scene ang mga karakter nina Jennylyn at Dingdong, Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith.





Comments