Karatekas sa SEAKF tilt, Battle of Cavite sa PNVF U18
- BULGAR

- Mar 3, 2023
- 2 min read
ni MC @Sports | March 3, 2023

Mababalahibuhan na sa kanilang kahandaan ang Philippine Karate Team sa pagsabak sa Southeast Asia Karate Federation (SEAKF) Championships na lalarga sa Marso 13-19 sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.
Sinabi ni Karate Pilipinas Sports Federation (KPSF) president Richard Lim na mahigit sa 200 atleta mula sa 11 bansang miyembro ng SEAKF maliban sa Myanmar ang sasabak sa torneo na itinuturing na pre-SEA Games tournament.
“Our very own SEAG Team led by Fil-Japanese Junna Tsukii and Sakura Alforte are coming over to participate in the tournament. Yes, buo na ang team natin for SEA Games, we already submitted the list sa Philippine Olympic Committee, but we still have a chance to change the line-up if ever na may makita tayong players na mas deserving,” pahayag ni Lim sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.
Iginiit ni Lim na isasabak ng Pilipinas ang pinakamatibay na koponan sa naturang torneo. Ang perennial rival na Vietnam ang may pinakamalaking delegasyon na nagpadala ng lahok na 78 atleta, habang ang Myanmar ay nagpadala lamang ng mga opisyal at technical crew dahil sa kakulangan sa budget.
Samantala, pakay pa rin ng Santo Nino de Praga na hindi magpatinag sa unbeaten record sa apat na laro sa pakikipagharap sa Bethel Academy sa showdown ng Cavite teams ngayong Biyernes sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championships sa Rizal Memorial Coliseum.
Target ng Santo Nino de Praga na hindi magurlisan ang bandila ng Trece Martires City laban sa girls ng City of General Trias sa Pool D clash ng 12:30 p.m. sa ikatlong weekend ng torneo na inorganisa ng PNVF sa pamumuno ni Ramon “Tats” Suzara.
Sa kabilang banda, target din ng Team Nagcarlan ng Laguna ang 3-0 won-lost card sa 6:30 p.m. match kontra Canossa Academy ng Lipa City sa boys’ Pool D.








Comments