Karapatang magkabahay ng isang mamamayan
- BULGAR

- Jul 5, 2020
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 5, 2020
Isa sa mga pangunahing pangangailangan ng isang mamamayan ay ang magkaroon ng bahay o lugar na masisilungan. Tulad ng pagkain at kasuotan, ang bahay ay isa sa mga bagay na dapat mayroon ang tao. Ito ay pinagsusumikapan ng bawat mamamayan na makamit kahit na ito ay maliit lamang basta maituturing na kanyang pagmamay-ari.
Sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 7279, o mas kilala sa titulong “Urban Development and Housing Act of 1992,” ang ating mga kababayan ay mabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng kanilang sariling bahay sa pamamagitan ng socialized housing program ng ating pamahalaan. Sakop ng socialized housing program ang mga pabahay na isinasagawa ng pamahalaan at ng mga pribadong sektor para sa mga nasa mas mabababang antas ng pamayanan na gustong magkabahay, subalit hindi makayanan ang mataas na hulog para sa nasabing bahay.
Para maisakatuparan ang mga layunin ng socialized housing program ng gobyerno, ang mga lupang pag-aari ng gobyerno at ng mga nailit na lupain ay bibilhin ng lokal na pamahalaan o ng National Housing Authority (NHA) para ipamahagi sa mamamayan na kuwalipikadong makakuha ng pabahay sa ilalim ng nasabing programa. Ang mga aktuwal na nakatira sa mga nasabing lupa na bibilhin ng pamahalaan para sa socialized housing program ay magkakaroon ng karapatang maunang alukin para bumili nito.
Para maging kuwalipikado sa programang ito, ang benepisaryo ay kinakailangan na isang Pilipino, hindi kasama sa mga tinaguriang “professional squatters,” nasa mababang antas ng lipunan at walang bahay o anumang pag-aari na lupain.
Ang mga napagkalooban ng benepisyo mula sa “socialized housing program” ay hindi pinahihintulutang magbenta, magpaupa o magsangla ng lupa at bahay na naipamahagi sa kanila sa ilalim ng nabanggit na programa. Anumang pagsasangla o pagbebenta ay walang bisa at ang nagbenta o nagsangla ay mawawalan ng karapatan sa lupa at lahat ng kaniyang naibayad ay mapupunta sa pamahalaan. Hindi na rin siya maaari pang kumuha ng kanyang lupa at bahay sa ilalim ng programa sa loob ng sampung (10) taon mula nang siya ay lumabag sa nasabing pagbabawal.
Kapag ang benepisaryo ay namatay bago maibigay sa kanya ang kabuuang pagmamay-ari, maililipat ito sa kanyang mga tagapagmana matapos na akuin nila ang pagbabayad ng natitirang bayarin. Kapag hindi inako ng kanyang mga tagapagmana ang natitirang utang o obligasyon, maibabalik muli ito sa pamahalaan para maipamahagi itong muli sa ilalim ng probisyon ng programa sa iba pang benepisaryo.
Nakapaloob din sa batas ang community mortgage program. Ang programang ito ng National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) ay may layuning bigyan ng tulong ang mga nabuong legal na grupo na nasa mababang antas ng lipunan at ng mga walang bahay na bumili at ayusin ang isang malaking lupain na ituturing na pagmamay-ari nilang kumon bilang isang komunidad. Ang layunin ng programang ito ay upang mabigyan ng tulong ang mga naninirahan sa mga mahihirap na lugar na mabili ang lupang kanilang inuukopa o ng lugar kung saan nila gustong lumipat upang sa kalaunan ay magawa nila itong maayos sa abot ng kanilang kakayahang pagandahin ang kanilang komunidad at kabahayan.
Ang mga benepisaryo sa ilalim ng community mortgage program ay hindi mapapaalis sa kanilang tinitirahan maliban kung sila ay lumiban sa kanilang pagbabayad ng amortisasyon ng tatlong (3) buwan.





Anu poNG pwd Kung I kaso s taong nanggugulo at nagkakalat nang rumors n Mali s social media ginagamit pa ung account nang Iba Pati po Bata Ginamit nya pinost s social media patulong nmn po Isa po aqng ofw at laki n po nang epekto skin nang nangyari
Good eve po mam tanung q lng po pano po masasabi n abondon ung Bata, nang Isang ama chaka po magkano po b ang Tamang sustento n dapat n ibigay nang ama s kanang anak? Salamat po s pag sagot
San Po ba puede DSWD office puede magfile Ng case against sa tatay Ng anak ko na since 9th month Hindi na nagsusuntento at ngaun 4 n taon na bunso ko...
Paano po mapapabilis ang hearing ang akusado kung hndi nmn po naattend ang konplentant...