top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Onli in da pilipins na walang sobrang pondo, maraming utang pero mag-i-invest

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 4, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | June 4, 2023


KUNG SINONG MGA PULITIKO ANG NAGPAPAKITA NG MALASAKIT SA MAMAMAYAN, SILA PA ANG INIRE-REJECT SA HALALAN—Malaking bagay sa mamamayan ang pagpanig ng Supreme Court (SC) sa petisyon nina dating Bayan Muna Partylist Representatives Neri Colmenares at Carlos Zarate na huwag nang singilin ng corporate income tax ang lahat ng konsyumer ng Maynilad, Manila Water at iba pang water concenssionaires companies dahil public utilities ang tubig sa bansa.


Sa lahat ng pulitiko sa ‘Pinas, sina Colmenares at Zarate lang ang nakipaglaban sa SC para matigil na ang pagsasamantala ng mga kumpanya ng tubig sa kanilang mga konsyumer, at ang laban nilang ito ay kanila namang napagtagumpayan.


Ang nakalulungkot nga lang na pangyayari, kung sino pa ang mga pulitikong nagpapakita ng tunay na malasakit sa mamamayan ay sila pa ang ibinabasura sa halalan ng mga botante, kasi natalo si Colmenares sa pagkandidatong senador at natalo rin ang Bayan Muna Partylist na kinaaaniban ni Zarate, at ang mas ginustong iboto ng majority Pinoys ay ang mga pulitikong nagtataguyod ng political dynasty at mga partylist na pag-aari ng mga traditional politician (trapo), tsk!

◘◘◘


IMBES PAGMALASAKITAN ANG PERA NG BAYAN, ISUSUGAL PA SA MAHARLIKA INVESTMENT FUND—Ang isa sa nakakalungkot na pangyayari sa bansa, ay 'yung mga ibinoto at ipinanalo ng mayoryang botante na mga senador at kongresista, ay sila pa 'yung nagkaisa at nag-aprub sa Maharlika Investment Fund (MIF).


Imbes pagmalasakitan ng mga senador at kongresista ang kaban ng bayan bilang pagtanaw ng utang na loob sa mga bumoto sa kanila, mantakin n'yong nagkaisa pa silang isugal sa Maharlika Investment Fund ang pera ng bayan, boom!

◘◘◘


KARAMIHAN SA MGA NAG-APRUB SA MAHARLIKA INVESTMENT FUND AY MULA SA POLITICAL DYNASTY—Karamihan sa mga senador at kongresistang nag-aprub sa Maharlika Investment Fund ay mga magkakamag-anak na pulitiko.


Patunay 'yan na bad talaga ang political dynasty sa 'Pinas, period!

◘◘◘


WALANG LABIS NA PONDO ANG PAMAHALAAN PARA IPANG-INVEST SA MAHARLIKA INVESTMENT FUND—Sabi ni dating Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Vice Governor Diwa Gunigundo, ang dapat daw ipangpondo sa Maharlika Investment Fund (MIF) ay surplus funds o labis na pondo ng pamahalaan, kaya nga lang daw ay walang ganitong pondo ang gobyerno kasi kapos ang budget ng pamahalaan at patunay na nangungutang pa yearly ang Philippine government para sa taunang national budget.


Ayon pa sa dating BSP official, mali raw na kunan ng pondo ang BSP, Land Bank of the Philippines (LBP), Development Bank of the Philippines (DBP) at iba pang Government Owned-Controlled Corporations (GOCC).


Sa totoo lang, ang ibang bansa ay sa surplus funds nila kinukuha ang ipinangpopondo sa kanilang government investment fund, at onli in da ‘Pinas lang na ang ipangpopondo sa investment fund ay kukunin sa pera ng bayan, buset!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page