top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kapitan ng Barangay at Pangulo, magka-level na sa 6 yrs. term?!

BULGAR
Jul 22, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 22, 2022


DAPAT BITAWAN NA NI P-BBM ANG PAGIGING AGRICULTURE SECRETARY—Matapos tumaas ng P3 ang per kilo ng bigas at tumaas ng P1 ang kada piraso ng itlog, tumaas naman ng P30 ang per kilo ng karne ng baboy.


Ang bigas, itlog at karne ng baboy ay nasa pangangasiwa ng Department of Agriculture (DA) na ngayon ay pinamamahalaan ni P-BBM bilang agriculture secretary.


Kung hindi kayang kontrolin ni P-BBM ang pagtaas ng presyo ng mga ganitong uri ng pagkain, mainam na bitawan na lang niya ang pagiging DA sec. at magtalaga ng ibang mamumuno para iwas sa batikos ng mamamayan.



◘◘◘


PAHIYA ANG MGA BUMABATIKOS KAY DSWD SEC. ERWIN TULFO—Umabot na sa higit 1.3 katao na hindi naman naghihirap, pero nakatatanggap ng 4Ps (Pantawid Pamilya Pilipino Program) ang tinanggal na ni Sec. Erwin Tulfo bilang benepisaryo ng 4Ps ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Pahiya ang mga bumabatikos noon sa pagtalaga ni P-BBM kay Sec. Erwin kasi lumalabas ngayon na mas karapat-dapat pala ito sa posisyon, kaysa sa mga nagdaang kalihim na “nganga” sa mga pagsasamantala sa 4ps.


◘◘◘


KAPITAN NG BARANGAY, KA-LEVEL NA ANG PANGULO SA 6 YEARS TERM—Kung matutuloy ang kagustuhan ni Sen. Chiz Escudero na ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sa Dec. 5, 2022 at sa May 2024 ito idaos ay lalabas na magka-level na ang pangulo ng Pilipinas at kapitan ng barangay kung termino sa posisyon ang pag-uusapan.


Anim na taon ang termino sa panunungkulan ng pangulo at dahil ang huling halalang pambarangay sa bansa ay naganap noong May 2018, kapag kinuwenta ito sa May 2024 ay pumapatak na anim na taon nakaupo sa puwesto ang mga kapitan ng barangay.


Aba’y tinalo pa ang mga governor, mayor at congressman na tig-tatlong taon lang ang termino.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page