top of page
Search
  • BULGAR

Kapayapaan sa gitna ng pandemya, malaking tulong para mas mabilis ang pagbangon

@Editorial | March 7, 2021


Umarangkada na ang pamimigay ng P20 milyong halaga ng mga proyekto sa mga barangay na wala nang miyembro ng New People’s Army (NPA).


Personal na dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpupulong ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Kung saan, nabatid na 822 na barangay sa buong bansa ang dating nasa impluwensiya ng NPA na ngayon ay nalinis na.


Kaugnay nito, makatatanggap ang mga barangay ng mga proyekto tulad ng farm-to-market roads, health station, irigasyon, classrooms, water system at iba pa.


Bukod sa makatutulong ang mga proyektong ito, lalo na sa gitna ng pandemya, wala naman tayong ibang asam kundi ang kapayapaan sa ating bansa.


May ibang paraan para maipabatid ang hinaing sa gobyerno at hindi lang sa marahas na gawa.

Ngayong dumaranas tayo ng matinding pagsubok dulot ng COVID-19, nawa’y dito na lang matuon ang ating laban, ‘wag nang madagdagan ng ibang problema.


Panawagan naman sa publiko, panatilihin natin ang kapayapaan, huwag nating hayaan na pasukin ang ating pamayanan ng masasamang loob. Bantayan natin ang isa’t isa mula sa anumang banta ng karahasan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page