top of page
TALKIES - JOEY KAY ALLAN DU’N KA NA SA IT’S SHOWTIME-IG _angpoetnyo & _allan_klownz.jpg

Kapalit ni Vice Ganda para sa Eat… Bulaga!... JOEY KAY ALLAN: DU’N KA NA SA IT’S SHOWTIME

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | July 6, 2026



TALKIES - JOEY KAY ALLAN DU’N KA NA SA IT’S SHOWTIME-IG _angpoetnyo & _allan_klownz

Photo: IG _angpoetnyo & _allan_klownz



Muling naging usap-usapan sa social media ang TV host-aktor na si Joey De Leon matapos siyang magbitiw ng isang nakakatawang biro habang nasa ere ang Eat… Bulaga! (EB!).


Sa naturang episode, pabirong sinabi ni Joey na ipagpalit ang mahusay na komedyanteng si Allan K. sa Unkabogable Star na si Vice Ganda, na isa sa mga main hosts ng It’s Showtime (IS).


Pabirong sabi ni Joey, “Allan, du’n ka na sa Showtime... si Vice na lang dito sa Eat… Bulaga!


Agad na nag-viral ang naturang pahayag at mabilis na kumalat sa iba’t ibang social media platforms.


Gayunman, malinaw na isa lamang itong biro at walang seryosong intensiyon sa likod ng pahayag ni Joey. Wala ring indikasyon na may anumang alitan o network war sa pagitan ng mga hosts ng EB! at IS.





Lahat daw isinakripisyo na…

SEN. ROBIN: MAHIRAP MAGING ALIPIN NG BAYAN, MATIGAS ANG ULO NG MGA PINOY



HINDI para sa sariling kapakinabangan kundi para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino ang dahilan ng pananatili ng aktor-senador na si Robin Padilla sa serbisyo publiko, ayon mismo sa kanya.


Ayon kay Robin, “Dahil ako, ang sarap na ng buhay ko. Ang ganda ng asawa ko, bata ‘yung asawa ko. Puwede naman akong mag-artista, ang daming leading lady! Pero nagtitiis ako para sa inyo.”


Samantala, sa kanyang pinakahuling post sa social media, ibinahagi ni Sen. Robin na may isang malapit na kaibigan ang nagtanong kung ano ang nais niyang ipahiwatig sa naturang pahayag.


Aniya, “Isang malapit at palaban na kaibigan ang nag-message sa akin kung ano raw ang aking ibig ipabatid sa aking sinabi rito. Ito po ang isinagot ko sa mahal kong kaibigan.


“‘My life is already comfortable, and I am free from the bondage of poverty. I could retire and live abroad, but I love the Philippines so much. I tried to save it using my movies and the money I make, but it wasn’t enough. I was brought into politics, but I don’t view it as a career. I am here to fight for change. I am sacrificing the remaining time of my life, energy, and money to save the Filipino people.’


“‘Di po ako yumayaman o nagpapayaman dito. ‘Di po ako politician; revolutionary po ako, kaya I say what I want and I do what I want to do. I never care about things that will affect my popularity.


“I am here as a senator to serve the people as a public servant—a role that contradicts being a superstar, where I am served like a king. Tinalikuran ko lahat ‘yan. Tinanggap ko ang pangmamaliit at pang-aalipusta para maisulong ang kapakanan ng mga Pilipino.


“Ang maging alipin ng bayan ay ‘di madali sapagkat matigas ang ulo ng Pilipino. Pero kailangan ko itong gawin at magsakripisyo para umunlad ang bayan. Bagama’t ang pagmumulat sa taongbayan ay nagiging masakit ‘pag sila mismo ay ayaw nang kumilos para sa kanilang kalayaan mula sa kahirapan, ‘di po ako susuko hangga’t ako ay nakaupong senador.”


Anyway, saludo si yours truly kay Sen. Robin Padilla. Para sa akin, bihira na ang mga katulad niya na may tunay na malasakit at dedikasyon sa paglilingkod.





PATOK na patok ang pakilig nina JM Ibarra at Fyang Smith sa bago nilang vertical romcom (romantic-comedy) series na Will You Fake Marry Me? (WYFMM) na patuloy na nangunguna sa most-watched charts ng iWant magmula nang ipalabas ang Part 1 nito noong Hunyo 30.


Bukod sa pangunguna nito sa iWant, pumatok din ang serye sa social media matapos makapagtala ng mahigit 31 milyong views ang unang limang episodes nito sa Facebook (FB), TikTok (TT), at YouTube (YT).


Sa direksiyon ni Jojo Saguin, iikot ang serye kay June (Fyang), isang tocino promoter na magpapanggap na engaged sa CEO ng naturang brand na si Ping (JM) upang makuha ang pamanang iniwan ng kanyang yumaong kamag-anak. 


Sa kabila ng hamong mapatunayang tunay ang kanilang pag-iibigan upang maibigay ang pamana, kinalaunan ay magiging totoo ang nadaramang kilig at pagmamahal nila sa isa’t isa.


Ang short series na WYFMM na co-produced din ng Playtime Entertainment ay ang bagong dagdag sa hanay ng vertical dramas ng iWant, kasunod ng The Chambermaid’s Daughter (TCD) at Twist of Fate (TOF).


Palabas na sa iWant ang Part 1 episodes ng Will You Fake Marry Me? habang aabangan naman ang Part 2 nito simula Hulyo 15. 


Mapapanood pa rin nang libre ang unang limang episodes sa FB, TT, at YT pages ng iWant at ABS-CBN Entertainment.

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page