top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Kapalaran ng BULGAR sa ika-29 anibersaryo

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 2, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Special Features| December 2, 2020



Walang iniwan sa larangan ng teknolohiya at social media, sadyang napakabilis ng panahon. Hamakin mo, natatandaan ko pa noong 1994, dalawang taon matapos akong gumradweyt ng college, unang nagsulat ako sa pahayagang ito.


Wayback 1994, bukod sa may BULGAR na pang-Araw isyu ang ating publication, may BULGAR Tonight isyu rin, na nagkataong noong panahong ‘yun ay si pareng Pabs Hernandez ang editor-in-chief ng BULGAR Tonight. Kaya naman siya rin ang nag-invite sa akin upang mag-contribute ng mga artikulo na may kaugnayan sa pag-aanalisa ng kapalaran sa BULGAR Tonight.


Parang magic, wala pang isang taon, dumagsa nang dumagsa ang letter sender na sobrang dami talaga, na halos sa isang buwan ay lagpas isang sako ng sulat ang ating natatanggap.


At dahil sobrang lakas at maraming tumatangkilik ng ating mga kolum sa BULGAR Tonight, ito ay inilipat na rin sa BULGAR Araw kung saan ang mga pangunahin nating artikulo ay ang “Pag-aanalisa ng Kapalaran ayon sa inyong Palad” at “Pag-aanalisa ng Kapalaran ayon sa inyong Numero”.


Makalipas ang kumpol-kumpol na taon, heto tayo, muli na namang nagdiriwang ng panibagong kaarawan ang ating pahayagang BULGAR, sa kanyang ika-29 anibersaryo.

Mapapaisip ka, ano nga ba ang ibig sabihin ng bilang na 29 kung aspetong Numerology ang pag-uusapan?


Sinasabing ang 29 ay kumbinasyon ng numerong dos (2) at nueve (9). Ang numerong 2 ay may kaakibat na planeteng Moon, at ang Moon ay isang mahina o feminine energy. Habang ang 9 ay itinuturing na strong number. Nangyari, dahil ang 9 ay may kaakibat na planetang Mars kung saan ito ay kumakatawan sa masculine energy.


Kung ia-apply sa kapalaran ng isang kumpanya o indibidwal ang numerong 29, ito ay nangangahulugang “balance”. Babalansehin ng numerong 2 ang sobrang lakas ng loob ng numerong 9. Kapag naman pinanghihinaan ng loob ang numerong 2, itutulak siya ng 9 upang lumakas ang loob, kumilos at magtuluy-tuloy sa anumang hamon o balakin niya sa buhay.


Ang ikinaganda pa nito, alalahaning ang taong 2021 o ang taong papasok ay may numerong singko (5) at kaakibat na planetang Mercury ang numerong 5. Naging 5 ang year 2021 dahil ito ay kinokompyut ng ganito: 20+21=41/ 4+1=5.


Ibig sabihin, nasa ilalim ng kapangyarihan ng Mercury ang paparating na taong 2021 dahil tulad ng naipaliwanag na, ang numerong 5 ay nagtataglay ng planetang Mercury. Kung saan, ang ibig sabihin ng Mercury ay “pag-unlad ng negosyo at paglago ng kabuhayan”. Dagdag pa rito, ang planetang Mercury ay may kaugnayan din sa “travel and communications”.


Kaya sa susunod na taong 2021, asahan nang magsisimula muling umunlad ang mga industriya o negosyong may kaugnayan sa travel and communications tulad ng publishing house, telecommunication, mass media, social media, internet, computer, television at iba pang kauring negosyo.


Kasabay ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, uunlad at sisigla rin ang aspetong may kaugnayan sa kalusugan at medisina dahil si Mercury ay itinuturing ding “Diyos ng lunas at kagalingan”.


Kaya naman sa taong ito ng 2021, at sa ika-29 anibersaryo ng pahayagang BULGAR, hindi lang babangon ang ating buhay sa mga pagsubok at pandemya na ating pinagdaraanan. Bagkus, higit pa r’yan, may pangako ng kagalingan patungo sa isang mas mabiyaya at masaganang karanasan.


Muli, sa ating mga mambabasa at tagasubabay, maligayang ika-29 anibersaryo sa ating lahat!


Nagmamahal,

Maestro Honorio Ong

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page