top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Kapag tumakas palabas ng ‘Pinas si Mayor Guo, spy nga siya ng China!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 9, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 9, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


PAGDEPENSA NI SEN. TOLENTINO SA MAY 2K POGO WORKERS, BAKA MILYUN-MILYONG BOTO ANG MAWALA SA KANYA -- Sabi ni Sen. Francis Tolentino ay nangangamba raw siya sa may 2,000 Pinoy POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) workers na mawawalan ng trabaho kapag na-ban sa ‘Pinas ang POGO, na kung susuriin ay parang tutol siyang mawala ang POGO sa bansa.


Naku, baka makaapekto sa re-election ni Tolentino for senator ang statement niyang iyan, kasi sa pangamba niyang may 2K Pinoy POGO workers ang mawawalan ng work, ay baka milyun-milyong boto naman ang mawala sa kanya dahil base sa survey ng Pulse Asia, 85% ng Pinoy ang pabor na ma-ban na sa bansa ang POGO, period!


XXX


SABI NI MAYOR GUO HINDI RAW SIYA SPY, PERO KAPAG SIYA AY TUMAKAS PALABAS NG ‘PINAS, WALANG DUDANG SPY NGA SIYA NG CHINA -- Laging sinasabi ni Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac na Pinoy daw siya at hindi raw siya Chinese, at lalong hindi raw siya spy ng China sa ‘Pinas.


Sa ngayon ay sinampahan na si Mayor Guo ng patung-patong na kaso at may mga nakatakda pang kasong isasampa sa kanya na posibleng ikakulong niya, kaya kapag siya ay biglang nawala sa ‘Pinas at sumibad pa patungong China, isa lang ang ibig sabihin nito, spy nga siya ng China sa ‘Pinas, boom!


XXX


TATAWA-TAWA SINA ROQUE AT VLOGGER ‘BANAT BY’ SA KASONG ISINAMPA NI TRILLANES, PERO KAPAG NAKULONG SILA, TIYAK IIYAK MGA IYAN --Pinagtatawanan lang nina former presidential spokesman Harry Roque at Duterte Diehard Supporter (DDS) vlogger Bryon “Banat By” Cristobal ang isinampang kasong cybercrime libel sa kanila ni former Sen. Antonio Trillanes kaugnay sa isyung ibinenta raw ng senador sa China ang Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc.


Pero kapag guilty ang naging hatol sa kanila ng korte, tiyak iiyak ang dalawang ito (Roque at Cristobal) kasi bukod sa danyos na tig-P1 milyon na ibabayad nila kay Trillanes ay makukulong pa sila ng mula apat hanggang walong taon, period!


XXX


PARANG SINABI NI PCG COMMODORE TARRIELA NA NUKNUKAN NG SINUNGALING SINA ROQUE AT CRISTOBAL -- Sa totoo lang, sabit talaga sa kasong ito sina Roque at Cristobal kasi mismong si Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Commodore Jay Tarriela na ang nagsabi na hanggang sa kasalukuyan ay pag-aari pa rin ng Pilipinas ang Scarborough Shoal, kabilang nga lang ito (Scarborough Shoal) sa pilit inaangkin ng China, at fake news ang isyung ibinenta ito ni Trillanes.


Kumbaga, parang sinabi na rin ni Commodore Tarriela na nuknukan ng sinungaling sina Roque at Cristobal, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page