Kapag may nagkahawaan ng virus sa Manila Bay, sina Yorme Isko at Gen. Miranda ang dapat sisihin!!!
- BULGAR

- Sep 22, 2020
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 22, 2020
KAPAG MALAKI ANG BUDGET PANG-PROJECTS, MALAKI RIN ANG SOP COMMISSION—Ang sabi noon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson, ang isa sa mga ugat ng korupsiyon sa bansa ay ang pork barrel kasi sa bawat “projects” ay awtomatik na may 20% SOP (standard operating procedure) commission diumano na inihihirit ang ilang kongresista.
Ah, kaya naman pala bilyun-bilyong “projects” na ang pinag-aawayan ng ilang kongresista kasi kapag malaki ang budget, malaki rin ang SOP commission, boom!
◘◘◘
PARANG SINABI NA RIN NG MALACAÑANG NA SIBAKIN NA SA PAGKA-SPEAKER SI CAYETANO—Ipinauubaya na raw ng Malacañang sa mga kongresista kung sino nais nilang mamuno sa Kongreso.
Parang sinabi na rin ng Palasyo na sibakin na sa pagka-Speaker si Taguig Rep. Alan Cayetano, period!
◘◘◘
YORME ISKO AT GEN. MIRANDA, NA-EXCITE SA GANDA NG MANILA BAY—Matapos ihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na io-open sa publiko noong Sabado ang “pinagandang” Manila Bay, ang dapat ginawa nina Manila Mayor Isko Moreno at Manila Police District (MPD) Director, Gen. Rolando Miranda ay pinaghandaan ang pagpapairal ng social distancing para hindi magkahawaan sa virus ang mga taong dadagsa sa lugar.
Ang siste, tila pati sina Yorme Isko at Gen. Miranda ay na-excite sa ganda ng Manila Bay kaya nakalimutan nilang magpatupad ng social distancing.
Kaya’t kung sakaling may nagkahawaan ng COVID-19 sa Manila Bay, walang ibang dapat sisihin kundi sina Yorme Isko at Gen. Miranda, boom!
◘◘◘
DAPAT SIBAKIN DIN NI PNP CHIEF CASCOLAN SI MPD DIRECTOR GEN. MIRANDA—Sa buwisit ni PNP Chief Gen. Camilo Cascolan nang walang pulis na nagmando sa pagpapairal ng social distancing sa Manila Bay, agad nitong sinibak si Manila Police District (MPD) commander, Lt. Col. Aiel Caramoan.
Ganu’n, bakit si Col. Caramoan lang ang sinibak? Sa isyung command responsibility, dapat sinibak din ng PNP chief si Gen. Miranda, period!





Comments